I was unaware of what caused the misunderstanding. I am uncertain of when it even began. Ang alam ko lang ay masaya tayo noong una. Masaya tayong bumubuo ng mga pangarap natin sa buhay. Nakuntento sa kung anong mayroon tayo. Ngunit bakit tila ako na lang ang natira sa mundong binuo natin? Umalis ka nang walang anumang huling salita, walang pag-aatubiling lumisan. Walang huling halik upang magpahiwatig ng anumang pamamaalam. Gusto ko lang naman malaman kung bakit.. Bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako nagawang saktan? Bigyan mo ako nang rason para hindi na muling umibig sa'yo ang tanga kong puso na ikaw pa rin ang isinisigaw.