Tahimik na namumuhay sa Sta. Elena ang mag-asawang sina Mang Tino at Aling Constancia. Noon pa man ay ninais ng mag-asawa na magkaroon ng anak subalit sa mahigit limang taon nilang pagsasama ay hindi sila biniyayaan ng supling. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nakilala nila si Lucero at ang anak nitong si Grizelda. Nang mamatay si Lucero, inako na ng mag-asawa ang pag-ampon sa nag-iisa nitong anak na babae. Subalit wala sa kanilang kinamalayan na ang batang babae palang kanilang inalagaan ang maglalagay sa kanila sa bingit ng kamatayan.
3 parts