"Please, let me go." Halos pagsakluban ng langit at lupa si Gabrielle nang marinig niya ang mga salitang iyon mula mismo sa mga labi ng kasintahan niyang si Adrian Gonzalvo. Hindi niya lubos maisip kung paanong ang mainit na pagmamahal nito sa kanya noon ay napalitan ng panlalamig mula noong nagbalik ito mula sa isang aksidente. Ginawa ni Gabrielle ang lahat upang manumbalik ang alab ng kanilang relasyon. Ngunit sa kasamaang-palad, mukhang huli na ang lahat lalo na nang dumating si Cherry, ang island girl na nagligtas at nag-aruga kay Adrian sa loob ng halos anim na buwan. Paano nga ba niya tatanggapin ang biglaang pagbabago sa relasyon nila ni Adrian? Papayag na nga lang ba siyang maiwang mag-isa sa mundong kapwa nila binuo para sa kanilang dalawa?