Si Zephyra Jeshelle Remuez ay isang Field Reporter. Lahat ng ina-assign sa kaniyang kailangang interview-hin, ay nakukuhanan niya ng panayam nang walang kagatul-gatol o kahirap-hirap. Kahit maging ang isa sa mga maiimpluwensiyang tao, mga kilalang politiko at sikat na mga artista. Ngunit nang mai-assign siya sa isang sikat at tinitingalang boxer - na hindi lamang kilala rito sa pilipinas, kundi maging sa ibang panig ng bansa- ay hirap na hirap siyang kuhanan ito ng panayam. Halos mag-usok naman ang ilong at tainga niya dahil ito lamang ang nagbubukod tanging tinanggihan siya. Bukod pa rito ay isa rin ito sa malalaking proyekto na iniatas sa kaniya. Kaya, kahit halos magpuyos na siya sa galit ay patuloy pa rin siya sa pagbuntot at pangungulit sa lalaki. Isa pa, nais niya rin pabilibin ang kanilang News Director na matagal na siyang may lihim na pagtingin. Nais niyang mapansin siya nito sa pamamagitan ng pagpapalakas at pagiging isang kilalang reporter. Ngunit tila malabo na yata itong mangyari dahil bukod sa paulit-ulit siyang tinatanggihan ng boxer, makailang beses na rin siyang pinaghintay nito sa wala. At tila nag-eenjoy naman ito na makita siyang naiinis at nahihirapan, bagay na lalo niyang kinasuklaman sa lalaki. Hanggang sa isang beses ay aksidente niyang nakita ang lalaki na kausap ang isa ring babaeng reporter. Sa hindi niya malaman na dahilan ay nagpuyos siya sa galit at sinuntok ang lalaki. At tila yata sa dami ng kamaong dumapo sa mukha ng lalaki ay iyon ang unang beses na napatda siya at kinabahan.