I wanted to die. I could not stand this world anymore. In my seventeen years of existence, nakita at naranasan ko kung gaano kalupit ang mundo. Life sucks. Kaya naman nag-decide akong tapusin na ang buhay ko bago pa ako tuluyang magalit sa mundo. Nag-goodbye na sana ang existence ko sa earth kung hindi umeksena ang isang jologs pero cute guy na nakita ko sa tulay nang gabing iyon. Parang ang sarap ng kinakain niya. He said it was a street food. Hindi pa ako nakakatikim no'n. At nang matikman ko, nakalimutan ko ang balak kong gawin nang araw na iyon. "Gusto mo pa? Mamaya ka na tumalon sa tulay, libre muna kita ng kwek-kwek," aya niya. Before I knew it, nasa harapan na ako ng unsanitary mini-food cart ni Manong, making tusok-tusok the kwek-kwek. Saka ko na tatapusin ang buhay ko. Magpapakabusog na muna ako sa street foods na ngayon ko lang natikman sa buong buhay ko.