Sa isang maliit at tahimik na Probinsya, may naka tirang dalagita na nag ngangalang Audessa, sya ay nag-iisa mag mula noong namatay ang kanyang ama, at iniwan sya ng kanyang ina para sa bago nitong pamilya, sya ay naiwan sa kaniyang tiya Vanessa na tinuring nya ring pangalawang ina. Si Audessa ay masasabing isang normal na mamamayan ng isang maliit na komunidad. Mahinhin, mahiyain, mabait, matulungin, mahilig makipag halubilo sa mga tao, tipikal na dalagang Pilipina kumbaga.
Sa kabilang banda naman ay mayroong binatilyo na kabaligtaran naman ng pag uugali na mayroon ang dalagita. Si George Tristan Vargas o mas kilala bilang si "Tres" ay kilala sa larangan ng medesina at politika. Siya ay Lisensyadong doctor at anak ng kilalang pamilya sa Europa. Si Tres ay lumaki sa luho dahil na rin sa may kaya ang kanyang pamilya at dahil na rin sa sya ang susunod na tagapag mana ng kanilang yaman at ari-arian. Si Tres ay isang "sakit sa ulo", hindi nakikinig kahit kanino at matabas ang dila nito, may pagka istrikto at suplado.
Nag simula ang kwento sa kung saan napag isipan ni Tres mag bakasyon sa probinsya ng kanyang ina, nais nya naman daw ng panibagong kapaligiran na pag titirhan at dahil na rin sa katahimikan na nina-nais ni Tres dito. Sa probinsyang iyon ay mayroong tahanan sila Tres na naka tayo sa looban nang isang gubat kung saan walang nangangahas na lapitan o pasukin ito. Ang gubat na iyon ay kilala hindi lamang sa may naka tirang kilalang pamilya rito, kundi dahil na rin sa nagtatayugang mga puno, mga hayop na naninirahan rito at malinis na hangin na binibigay nito sa bayan. Ang gubat ring ito ay isa sa naging dahilan ng pag-umpisa ng kwento nina George at Audessa.