UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1)
43 parts Complete Minsan, nahuhulog tayo sa dalawang puso. Ngunit bakit tila hindi pa rin matibag ang alaala ng unang pag-ibig? Siya ang unang nagpatibok ng puso, unang nagbigay ng ngiti at luha, unang nagturo kung paano magmahal at masaktan. Sa kanya natin naranasan ang mga "una"-ang ligaya, kilig, at sakit. Sa kanya natin unang naramdaman na tayo'y may halaga.
Ngunit hindi lahat ng nagpapangiti ay nagmamahal. Hindi lahat ng titig ay totoo. Minsan, ang taong akala mong para sa'yo ay may hilig lamang sa paglalaro ng damdamin. Kaya kang pasayahin, pasiglahin, paniwalain na mahalaga ka-ngunit hindi pala ikaw ang pinili. Isang pagkukunwari. Hanggang pareho kayong nasaktan, parehong naging biktima ng isang lalaking hindi marunong makuntento.
At dumating ang ikalawang pag-ibig. Marahan, tila lunas sa sugat ng nakaraan. Minahal mo siya-pero bakit may kulang pa rin? Sa bawat sulyap, hinahanap mo pa rin ang titig ng una. Sa bawat haplos, inaasam mo pa rin ang init ng dating damdamin. Hanggang mawala ang tiwala at respeto. At ang relasyon, sa halip na maging tahanan, ay naging tanikala.
At sa oras na akala mong tapos na-siya ay muling babalik. Sa gitna ng katahimikan, muli siyang susulpot. Sa oras na natutunan mo nang mahalin ang bago, siya ay magpaparamdam. At ang puso mong pilit nang tumigil sa pagtibok para sa kanya-bigla na namang mabubuhay. Isang sulyap, isang salita, sapat na para balikan ang lahat.
Sa ikatlong pagkakataon, ginulo ka na naman ng tadhana. Ayos ka na, handa ka nang mamuhay nang mag-isa, buo sa desisyong piliin ang sarili. Ngunit naroon siya, muling kumakatok. Nagpaparamdam. Umaasa. Kaya mo ba siyang tanggihan? Kaya mo bang talikuran ang pusong hindi mo kailanman lubusang nalimutan?
Hanggang kailan mo kakayanin ang siklong paulit-ulit? At kung ang puso mo'y patuloy na tumitibok para sa kanya, may saysay pa bang ipilit ang paglimot?