Magtatagpo ang dalawang taong magkaiba ang pananaw at hilig sa buhay: Si Samantha (SAM) at si Tyler . Si Samantha ay isang masigasig na estudyante samantalang si Tyler naman ay isang atleta na kilalang-kilala sa kanyang angkin galing sa larangan ng basketball at aking nitong kagwapuhan. Sa simula, magiging magkaaway sila dahil sa kanilang magkaibang interes at pananaw sa buhay. Palaging nagkakabangga ang kanilang mga personalidad at paniniwala, na nagdudulot ng alitan at hidwaan sa kanilang paligid. Ngunit sa bawat pagkakataon na sila ay magkasama, unti-unti nilang natutuklasan ang mga bagay na nag-uugnay sa kanilang mga puso. Sa kabila ng kanilang alitan at bangayan, hindi nila maiwasang mapalapit at magkaroon ng pag-unawa sa isa't isa. Sa gitna ng kanilang mga laban at pagsubok, mapagtanto nila na sa likod ng kanilang mga pagkakaiba ay mayroong samahan at pagmamahal na unti-unti nilang natatagpuan. Ang kanilang rivalidad ay magiging daan upang maging mas matatag ang kanilang pagmamahalan, na nagsimula sa alitan ngunit nagbunga ng tunay na pag-ibig.