16 parts Ongoing Isang trabaho lang naman ang gusto ni Raine Sloane-kahit ano, basta may sweldo. Kaya nang makakita siya ng job listing bilang secretary sa isang detective agency, hindi na siya nagdalawang-isip. Simple lang naman siguro ang trabaho, 'di ba? Paperwork, sagot sa tawag, gawa ng kape...
Pero bakit parang wala 'to sa job description?!
Ang boss niya? Xavier Vaughn -seryoso, misteryoso, at mukhang hindi marunong ngumiti. Lagi siyang nakasuot ng itim, parang laging may pinag-iisipan, at Englishero pa! Kaso, sa halip na maging normal na secretary si Raine, bigla na lang siyang nadamay sa mga kaso-may kidnapping, may patayan, at may mga taong humahabol sa kanila na may dalang kutsilyo!
Akala niya, simple lang ang buhay niya. Ngayon? Isa na siyang accidental crime-solving sidekick!
Pero habang tumatagal siya sa agency, hindi lang mga kaso ang gusto niyang masolusyunan... kundi pati ang misteryosong pagkatao ng kanyang boss.
Pwede kaya 'yon? O mas impossible case pa 'yon kaysa sa lahat ng mystery na hinarap nila?🔍