Sa gitna ng kolonyal na Pilipinas noong huling bahagi ng ika-19 na siglo, habang lumalala ang tensyon sa pagitan ng mga ilustrado, rebolusyonaryo, at kolonyal na pamahalaang Español, isisilang ang isang pag-ibig na hindi kailanman umusbong sa liwanag ng araw.
Si Ponciano Monteverde, isang mestizo na galing sa kilalang angkan sa Lipa, ay tahimik na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan at unang minahal-ang makata, manggagamot, at aktibistang si Iñigo de los Reyes-na kilala ng madla bilang isang mapanganib na subversivo, ngunit para kay Ponciano, siya'y isang makata ng pag-ibig at pag-asa.
Habang dumarami ang mga baril sa kalye at patuloy ang pagdurugo ng bayan, dumarami rin ang lihim ni Ponciano: ang kanyang pag-ibig, ang kanyang pagdadalamhati, at ang kanyang pagnanais na balikan ang mga alaala ng kanilang kabataan sa Ateneo Municipal.
Ngunit ang rebolusyon ay hindi naghihintay. At habang si Ponciano ay unti-unting humahakbang sa landas ng pagiging Katipunero, dala niya ang pangakong iyon: na ang di natapos na pangarap ni Iñigo ay kanya ring isusulat-sa dugo, luha, at pananahimik.
Two souls. Two eras. One impossible connection.
Isang conyo na playboy ay bigla na lang nagising bilang isang binibini sa taong 1896. Samantala, ang isang sarsuwelista mula 1896 ay natagpuan ang sarili sa katawan ng isang moderno't mapusok na lalaki sa 2025.
Sa pamamagitan ng mahiwagang notebook na nag-uugnay sa kanila, nagsimula silang magtulungan upang mabuhay sa mundo't panahong hindi nila nakasanayan. Ngunit habang natututo silang umangkop, unti-unting umusbong ang damdamin sa pagitan nila.
Isang pag-ibig na tila lumalampas sa hangganan ng oras.
Makakayanan kaya nila ang hamon ng kanilang mga bagong buhay? Paano nila mapapanindigan ang pagmamahalan sa magkaibang panahon?
At higit sa lahat, paano kaya sila makakabalik sa kanilang tunay na mga katawan bago pa mahuli ang lahat?
••••• •••••
This is not your typical time travel story. Brace yourself for a mind-bending journey.