Sa tahimik na Sitio Marikit, may isang alamat na paulit-ulit na binubulong ng hangin: "Huwag mong sasagutin ang tawag ng kagubatan."
Pero si Armira, isang dalagang may lihim na koneksyon sa kalikasan, ay sumagot.
Sa lilim ng mga alitaptap, doon niya unang nakita si Rafael-isang makapangyarihang engkanto na isinumpang hindi magmahal ng mortal. Tahimik ito, mapanlikha, at pinagmamasdan siya mula sa dilim sa loob ng maraming taon.
Nang magtagpo ang kanilang mga landas, isang bawal na pag-ibig ang nabuo. Ngunit sa likod ng bawat ngiti ni Rafael ay isang sumpang kayang pumatay... at sa puso ni Armira ay isang lihim na kayang bumago sa kanilang tadhana.
Sa pagitan ng liwanag at dilim, kailan magiging sapat ang pag-ibig?
Masaya maging kakaiba ngunit nakakasama lang kapag sumubra, masarap mapunta sa isang Section kung saan puno ng pagkaka-isa kahit magkaiba.
Paano kapag mapunta ka sa Section na literal na ikaw lang ang naiiba sa kanila?
Kakayanin mo kaya?