Tahimik. Inosente. Galing sa pamilyang puro abogado ngunit hindi tagapagtanggol ng tama. Para sa pamilya ni Irie, ang hustisya ay may presyong kaya nilang bayaran. Hindi mahalaga kung may inosenteng masasaktan, basta't kumita. Pero si Irie, iba siya. Hindi niya kayang ipikit ang mata sa katotohanan. She dreams of becoming a lawyer not for money, but to fight for those who can't fight for themselves.
Then there's Ken-the ever-popular, playful heartthrob. Pero sa likod ng mga ngiti at kasikatan, may dalang sugat ang puso niya. His father was killed, and no justice was ever served. Mula noon, isa lang ang laman ng isip niya: alamin ang katotohanan at ipaghiganti ang ama. Kaya gusto niyang maging isang Civil Engineer balang araw-to finish the dream his father never got to live.
Sa unang araw ng Senior High, hindi maiwasang mapansin ni Ken si Irie-may kung anong tahimik na presensya sa dalaga na tumatak agad sa isip niya. Something about her calm spirit and quiet strength caught him off guard. But Irie, unaware and guarded, chose not to entertain the idea of romance. Para sa kanya, wala 'yong lugar sa mundong puno ng kasinungalingan.
Pero paano kung ang tadhana mismo ang naglapit sa dalawang taong parehong sugatan, parehong may laban, at parehong naghahangad ng tunay na hustisya?