Ang Kathniel, na binubuo ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ay ang isa sa mga pinaka-successful at popular love teams ng ating henerasyon. Makikita mo sila sa mga popular na social media accounts, billboards, magazines, TV shows, soap operas at commercials. Mula Luzon hanggang Mindanao, maririnig mo ang mga sigawan ng mga nagkakarandapang mga taga-hanga na patuloy ang mga sumusuporta sa kanila. Ang tanging nag-iisang tanong ng bayan: "Sila na nga ba?" Pero hindi ba dapat, ang itanong nila sa kanila: ano ba ang turing nila sa isa't-isa sa likod ng mga camera? Totoo nga ba na sabi nila, kapag inlove ka, tumitigil ang mundo mo? Pero bakit habang kasama ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla, ang tanging hiling lang niya ay ang bumilis ang oras? Na kay Daniel Padilla na ba ang lahat? Minamahal niya nga ba siya ng tapat ni Kathryn? Bago natin nakilala ang tinagurian nating "teen queen," sino nga ba siya?