dheekheey
Sa Bataan, kapag umuulan, mas marami pang timba sa sala kaysa sa tao dahil sa tulo ng bubong. Kaya naman itinaya ni Aiden Dela Vega ang lahat para makipagsapalaran bilang barista sa nagyeyelong -25°C na lamig ng Edmonton, Canada.
Ngunit sa kanyang paghahanap ng matitirhan para makatipid ng dolyar, makakatagpo niya sa Room 404 si Maya-isang napakakuripot, strikto, at masungit na international student na mortal din niyang kaaway. Sa gitna ng mga bawal na patakaran sa upahan, paninigaw ng kustomer, at isang sekretong kasunduan, kakayanin ba nilang magpanggap sa harap ng mundo nang hindi totoong nahuhulog ang loob sa isa't isa... o tuluyan silang malulunod sa isang 'Rental na Pag-ibig'?
Isang kwento ng sakripisyo ng pamilyang Pilipino, pagharap sa mga hamon ng buhay-abroad, at paghahanap ng permanenteng tahanan sa puso ng isa't isa.