Hello!
Napansin ko na masyadong emo ang about me ko kaya i-chachange ko nalang :D

Ako nga pala si Kasurin Dusk kapag gumagawa ng Original stories, pero tuwing gumagawa ako ng fanfiction, pangalan ko nama'y Threya Midnight.

Kung ako'y tatanungin, mas nadadalian ko gumawa ng story sa English. Kasi kung magiging honest ako, hindi ko kayang gumawa ng isang Tagalog na sentence na walang nakalagay na isang English word. Sa school kasi namin, sapilitan ka mag-English. Dati, isang Tagalog na salita, isang Piso na kaagad ang utang mo. Haha, sisisihin ko ang school kung bakit ako nagkaganito XD

Baka, tinatanong niyo: Bakit ako gumagawa ng Filipino story kung mas nadadalian ako sa English?
I will honestly tell you, dati malaking galit ko sa mga Filipino stories dito sa Wattpad. Kasi, cliche dito cliche diyan. Ano ba 'yan! Pero may nakita akong dalawang story na napaisip ako na 'Ah, maganda pa rin pala ang mga story natin'. At dahil dun, nag-babasa na ako ng story na Tagalog. Sorry, hindi ko sinagot yung tanong pero eto na:

Gusto ko rin na katulad ng ginawa dalawang story na binasa ko, mapapaisip rin ang mga ibang tao na ang Pilipino, may originality. Na maganda ang story na tin.

Wasus, ang laki ko mag-salita pero wala pa ngang na-popost xD Haha. Wag kayong mag alala, mag-popost na rin ako ng story in a few... months xD HIntay lang kayo na maka-10 chapters ako or so, promise!

Hm, siguro maiimagine niyo na kaagad kung anong klaseng tao ako kung binasa yung 'About Me'. Kasi sabi nga nila, a man's word reflects on his personality. So yeah!

Maraming salamat sa pag-dalaw :D
  • Manila, Philippines
  • JoinedApril 14, 2012


Following


2 Reading Lists