TheRealLawliet

Nakasandal si Andrew sa tabi ng higaan, habang nakaupo siya sa sahig. May hawak siyang kutsilyo sa kanang kamay niya na abala niyang kinukudkod sa mahabang batong tableta. Maririnig ang tunog nito sa buong kwarto. Matapos niyang mahasa ang kutsilyo ay idinikit niya ang kaliwang hintuturo niya sa tulis nito at saka na marahang pinatalilis ito sa talim. Nang may lumabas na dugo mula sa daliri niya ay huminto siya, ngunit ininda niya lamang ito. Imbis na gamutin niya ang sariling daliri ay ini-ugoy niya pa ang hawak niya sa ere. Paulit-ulit niya itong ginagawa na maririnig na sa buong paligid ang tunog nang pag-indayog ng kutsilyo sa hangin. Kung minsan ay inilalaro niya pa ito sa kamay niya na para bang isang eksperto.
          	
          	
          	
          	*****
          	
          	
          	I'll Protect You (Edited Version) - Chapter XII (Waiting) has been published!
          	
          	https://www.wattpad.com/story/344154419

TheRealLawliet

Nakasandal si Andrew sa tabi ng higaan, habang nakaupo siya sa sahig. May hawak siyang kutsilyo sa kanang kamay niya na abala niyang kinukudkod sa mahabang batong tableta. Maririnig ang tunog nito sa buong kwarto. Matapos niyang mahasa ang kutsilyo ay idinikit niya ang kaliwang hintuturo niya sa tulis nito at saka na marahang pinatalilis ito sa talim. Nang may lumabas na dugo mula sa daliri niya ay huminto siya, ngunit ininda niya lamang ito. Imbis na gamutin niya ang sariling daliri ay ini-ugoy niya pa ang hawak niya sa ere. Paulit-ulit niya itong ginagawa na maririnig na sa buong paligid ang tunog nang pag-indayog ng kutsilyo sa hangin. Kung minsan ay inilalaro niya pa ito sa kamay niya na para bang isang eksperto.
          
          
          
          *****
          
          
          I'll Protect You (Edited Version) - Chapter XII (Waiting) has been published!
          
          https://www.wattpad.com/story/344154419

TheRealLawliet

“Alam natin kung sinong gumawa nito,” mahinang saad ni Yakov, habang nakatuon ang mga mata niya sa lamesa.
          
          “Hindi tayo sigurado, Yakov,” salungat ni Gary.
          
          Kunot-noong napalingon si Yakov kay Gary. “Hindi mo ba narinig ‘yong sinabi ni Andrew? Nakalaya na si Allen at nangyari lang ‘to simula no’ng makalaya siya. Do you think this is just a normal incident? Hindi ba naisip din natin iyan no’ng namatay si Lev? Look what happened! He also took both Ralph and Emman from us because we were too naive!”
          
          Dahil sa napataas na boses ni Yakov ay napalingon sa kanila ang iba pang mga bisita. Napansin naman ni Will ito kaya napahawak siya sa balikat ng kaibigan. “Yakov, calm down,” mahinahon niyang saad.
          
          Nagngangalit na napayuko si Yakov. Mariin niyang niyukom ang mga kamao niya at saka na napahinga nang malalim. “I’m sorry,” dispensa niya.
          
          
          *****
          
          I'll Protect You (Edited Version) - Chapter XI (Confusion) has been published!
          
          https://www.wattpad.com/story/344154419

TheRealLawliet

Napakunot ang noo ni Karl at ibabalik na sanang muli ang cellphone niya pabalik sa bulsa ng pantalon niya nang isa pang mensahe ang dumating mula sa parehas na numero. Gusto niya sanang isawalang-bahala ito, pero may nagsasabi sa isip niyang buksan ito. Pinindot ni Karl ang mensahe at sa sandaling nabasa niya ang laman nito ay napa-igting ang panga niya. Halos umakyat ang dugo niya sa mukha niya at hindi na maipaliwanag ni Karl ang poot na nararamdaman niya.
          
          “I had warned you. If you don’t leave Andrew now, your vice-captain will not be the last.”
          
          “Allen...” Nanggagalaiting initsa ni Karl ang kamao niya patungo sa salamin na nasa harapan niya. Sa sobrang lakas nang pagkakasuntok niya rito ay nabasag ito at naglaglagan ang tipak nito sa lababo, kasama ang dugong umaagos mula sa kamao ni Karl.
          
          
          *****
          
          I'll Protect You (Edited Version) - Chapter X (Loss)has been published!
          
          https://www.wattpad.com/story/344154419

TheRealLawliet

“Okay ka lang?” malumanay na tanong ni Karl at saka na hinawakan ang kaliwang kamay ni Andrew.
          
          Lumingon sa kanya si Andrew at tinitigan siya nang matagal. Sa sobrang tagal ay napakurap na si Karl dahil naiilang na siya sa titig nito.
          
          “Andrew,” riin ni Karl.
          
          Kumurap si Andrew nang dalawang beses. “Mhm?”
          
          Binuka ni Karl ang bibig niya, pero agad niya rin itong isinara. Pinagmasdan niya nang maigi ang mga mata ni Andrew.
          
          Napapansin na niya na napadadalas na nagiging ganito si Andrew simula noong nawalan ng malay ito. Matatahimik ito o hindi naman kaya ay mapapatitig nang matagal sa kawalan. O hindi naman kaya ay tititigan siya nito nang matagal kagaya ngayon na darating sa punto na maiilang siya. Hindi naman ganoon ang nararamdaman niya noon sa pagtitig ni Andrew. Pero sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay para siyang nakatitig sa mga matang hindi niya kilala.
          
          
          *****
          
          I'll Protect You (Edited Version) - Chapter IX (Eyes) has been published.
          
          https://www.wattpad.com/story/344154419

TheRealLawliet

“Bakit kasama mo si vice-captain kanina?”
          
          Napalingon si Karl kay Andrew. Ito pa lamang ang unang beses na nagsalita itong muli mula nang makalabas sila sa unibersidad.
          
          “Ah, na-lowbat ako kanina kaya nanghiram ako ng powerbank kay vice-captain,” tugon ni Karl.
          
          “Sabi ng kaklase mo, halos dalawang oras ka na raw wala.”
          
          “Ah kasi sinamahan ko si vice-captain sa labas para magpa-photocopy. Medyo marami kasi ‘yung librong bitbit niya kaya tinulungan ko.”
          
          “Mhm…”
          
          Napahinto si Karl sa paglalakad dahilan para mapahinto rin si Andrew.
          
          “Teka, nagseselos ka ba?” tudyo ni Karl.
          
          Napalingon naman si Andrew kay Karl. “Paano kung sabihin kong oo, lalayuan mo ba siya?” seryoso niyang tanong.
          
          
          *****
          
          I'll protect You (Edited Version) - Chapter VIII (Trigger) has been published!
          
          https://www.wattpad.com/story/344154419

TheRealLawliet

Natahimik si Andrew, habang pinagmamasdan ang mga mata ni Karl—ang mga mata nitong alam niyang pilit siyang binabasa. “Karl,” malumanay niyang saad at saka na akmang hahawakan ang kaliwang pisngi ng nobyo. Pero agad na hinawakan ni Karl ang kamay niya at ibinaba ito.
          
          “Don’t do that,” pagpigil sa kanya ni Karl.
          
          Napayuko na lamang si Andrew. Nakatingin naman sa kanya si Karl, habang hinihintay siya nitong magsalita. Sa sobrang katahimikan ay tila naririnig na ni Karl ang bawat galaw ng segundo mula sa nakasabit na orasan sa dingding. Habang tumatagal ang pagdinig niya rito ay mas tumataas ang pagkayamot niya at mas lalo lang sumasama ang loob niya sa pagtahimik ni Andrew.
          
          Huminga siya nang malalim. Siguro nga ay maling ideya ito. Napapikit siya at saka na umiling. “Nevermind,” aniya at saka na binitawan niya si Andrew.
          
          Hahakbang na sana siya palayo nang hawakan ni Andrew ang braso niya.
          
          “A-Allen is back,” utal ni Andrew. Napahinto naman si Karl sa narinig. Agad siyang napalingon kay Andrew na nakayuko. “He… He was released. I’m… I…” Tuluyang tumulo ang luha ni Andrew. “I-I’m scared, Karl. I’m—”
          
          Agad na niyakap ni Karl si Andrew. “I’m sorry,” bulong niya at saka na hinigpitan ang pagkakayapos niya sa kasintahan. ‘Wag kang matakot. Nandito ako.”
          
          
          *****
          
          I'll Protect You (Tagalog) - Chapter VII (Thoughts) has been published!
          
          https://www.wattpad.com/story/344154419

TheRealLawliet

Sunoo could not count anymore how much he kept on having this weird feeling—the feeling of uncomfortability whenever Ni-Ki knocked on his built walls. He would hear it and wouldn't want to do anything with it, yet he finds himself standing against that wall. There's this unknown emotion he felt that he cannot tell what exactly it was.
          
          
          
          
          
          Blossom (SunKi AU) - XIV. Confession has been published!
          I just published "XIV. Confession" of my story "Blossom (SunKi AU)". https://www.wattpad.com/1430880598?utm_source=android&utm_medium=profile&utm_content=share_published&wp_page=create_on_publish&wp_uname=TheRealLawliet

TheRealLawliet

"Mahal... Nakikita mo na a—" Pagkatinging muli ni Jungwon sa mukha ng kasintahan ay nakapikit na itong muli, kasabay noon ay pagtagos ng kamay ni Sunoo sa kamay ni Jungwon, bago ito bumagsak. 
          
          Napayuko si Jungwon at saka na napaluha. 
          
          He wished he had talked to Sunoo in that very brief moment. He wished he had held his hand too. And he wished time had lost its seconds. 
          
          
          
          
          
          Blossom (SunKi AU) - XIII. Save has been published!
          I just published "XIII. Save" of my story "Blossom (SunKi AU)". https://www.wattpad.com/1429401626?utm_source=android&utm_medium=profile&utm_content=share_published&wp_page=create_on_publish&wp_uname=TheRealLawliet

TheRealLawliet

Bago tuluyang takasan ng ulirat si Sunoo ay pinilit niyang ibuka ang bibig niya. At sa huling lakas na natitira sa kanya ay nagawa niyang magsalita. 
          
          "Ni-Ki," bulong niya, kasabay noon ay ang pagtulo ng luha niya at ang tuluyang pagkawalan niya ng malay.
          
          
          
          
          
          Blossom (SunKi AU) - XII. Dark Soul has been published!
          I just published "XII. Dark Soul" of my story "Blossom (SunKi AU)". https://www.wattpad.com/1427924145?utm_source=android&utm_medium=profile&utm_content=share_published&wp_page=create_on_publish&wp_uname=TheRealLawliet