Love at the Wrong Time [short story]

1.6K 58 8
                                        

Love at the Wrong Time

"Im sorry, Zeus." Malungkot kong umpisa kay Zeus nang makarating kami sa park.

Syete! Kailangan ko ng umalis dito bago pa tumulo ang mga pinipigilan kong mga luha

Nang mga oras na yun, gusto kong bawiin ang sinabi ko at yakapin siya pero hindi eh. May pangako ako sa mga magulang ko at higit sa lahat para sa sarili ko na hindi ako mag bo-boyfriend hanggat di ako nakakapagtapos ng pag aaral.

Akmang aalis na ako nang hawakan ni Zeus ang kanang kamay ko.

"Why?" Garalgal yung boses niya.

"Alam mo kung bakit..."

"Give me a chance, Sweetie. I'll understand you. Kaya kong maging second option mo."

Umiling ako. "I'm... I'-I'm sorry." Halos di ako makahinga sa sobrang pagpipigil na huwag umiyak kaya bago pa niya makita iyon tumalikod na ako at patakbong umalis palayo sa kanya.

Ako si Caleila. Seventeen years old. 1st year college na pero NBSB pa rin as in No Boyfriend Since Birth. In my own perception, isturbo lang ang mga lablyp2x sa studies ko and I have this belief na hindi kailangan magmadali pagdating sa pagkakaroon ng boyfriend. Ang boyfriend nandyan lang yan pero ang opportunity na makapag aral nang maayos maaaring mawala. And one more thing, kung may meant to be talaga sayo, darating siya at kahit harangan pa kayo ng sibat, kayo pa rin ang magkakatuluyan in the end. True Love cant wait.

I gave a big sigh pero closing my eyes. Hanggang ngayon masakit pa rin talaga and its been 1 week since nung huling pag uusap namin ni Zeus.

Zeus Asher Yuchengco. Guwapo, matalino at mayaman. Nasa kanya na ang lahat pero di ko alam kung bakit nagkagusto siya sa simpleng tulad ko. Sa una, akala ko pinagttripan niya lang ako. Nerd kasi ang peg ko dito sa school pero  nang tumagal na siya ng anim na buwan ng panliligaw saken at sa mga araw na nanliligaw siya naramdaman ko yung sincerity niya, I can't help myself but to fell in love with him.

" Caleila! Caleila!" Nagbalik ang diwa ko sa sigaw ni Shana, ang maganda kong bestfriend.

"O'bakit ?" 

 

Hinawakan niya yung kamay ko."Hindi na ba nanliligaw sayo si Zeus ?'

Umiling ako. Argh! That pain. I hate it!

"Ano?! B-bakit? Binasted mo na siya?"

"Iyon ang mas makakabuti sa amin ngayon, Shana." Pinilit kong huwag ng umiyak.

Niyakap ako ni Shana. She didn't ask more dahil alam niyang magkukuwento ako kapag handa na ako.

"Tama lang ang ginawa mo, Bess. Zeus doesn't deserves you." May pinaghalong lungkot at galit yung boses ni Shana. Kumawala ako sa yakap niya at hinarap siya.

Love at the Wrong Time [short story]Where stories live. Discover now