1ST ONE - 15.

6 2 0
                                    

1ST ONE - 15.

"So, your name is Saera. Are you close with Jia?" tanong ni Jayson.

"Yes, and with her other friends also," sagot ni Saera. "May I know who are you?"

"I'm her brother," aniya. "I'm Jayson Lee."

"From FirstOne Entertainment?"

"You know our Entertainment?" tanong ni Gift.

"Yes, Jia works there, right? So yeah. And my ultimate idol is in your company. And the news have been saying that 1st.One, the group that is named after the entertainment itself, will have their debut next month. It's been in the news since yesterday. And really, you're Jia's brother?"

"Yeah.." sagot ni Jayson.

"Waaa." Halata sa mukha ni Saera ang saya. "You're all seven in the group, right? And you already debuted in Philippines?"

"Yes, last July 31," sabi ni Ace.

"You're Ace, this is Jayson, and this is... Gift. Am I right?"

"Wow, you really recognized them Saera!" masayang sabi ni Jia.

"I really, because you've been telling me about them since their pre-debut days. So I just tried to point out their names, and I feel like that I need to be famiar with their faces now."

"You'll be familiar with our faces sooner. You may start familiarizing us now. Oh by the way, they just gone somewhere," sabi ni Ace.

"I have my part-time job today. Won't you mind if they'll accompany you for today? You know already my out time, so yeah. You know what I mean." Lumingon si Jia kay Saera.

"I won't mind. I bet I'll have fun with them," sabi ni Saera.

"Yes yes, you'll have fun with them."

"Let's eat," alok ni Gift kay Saera.

**

Narating nina Alpha at Yhena ang dagat mula sa paglihis mula sa mga kaibigan. Naunang bumaba sa bisikleta si Yhena at nangingiting hinarap ang dagat. Mula sa likuran ay niyakap siya ni Alpha at ipinagsiklop ang kanilang mga kamay.

"Sarap sa feeling," bulong niya sabay tingin sa maalong dagat. Ang hampas ng alon ay siyang nagsisilbing magandang ingay sa sandaling iyon.

"Ang payapa dito," mahinang usal ni Yhena at nanatili sila sa posisyong iyon.

"May tanong ako sa'yo." Hinarap siya ni Alpha sa kaniya. "Gusto mong magpakasal tayo malapit sa dagat?"

"Hmm, kasal agad? Pero kung seryoso ka sa tanong mo, oo. Gusto kong ikasal tayo malapit sa dagat. 'Yung tipong medyo makulimlim na may kaunting sinag ng araw, at ang simoy ng hangin ay napakabanayad sa pakiramdam. Gano'n ang nasa isip ko."

"Planado ka na agad, ah?" Ngumiti si Alpha. "Seryoso ako do'n. Malay mo, twenty years later ay kasal na tayo."

"Kung makakasal nga tayo." Nagbaba ng tingin si Yhena at natahimik si Alpha. Napalingon na lamang siya sa malayo at dumistansya nang bahagya mula sa kaniya.

'Noong hiniwalayan kita para sa pangarap ko, napagisip-isip kong ito na muna ang uunahin ko. Doon gumuho iyong ideyang mapapakasalan pa kita. Pero nang sabihin mong mahal mo pa rin ako at hindi kailanman nawala ang pagmamahal mo sa akin, hindi pa pala gumuho ang ideyang iyon. Kailangan nating maghintay para mangyari 'yon, Yhena.'

One Series: The Dream (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon