Bilang 29 - Oo, bagong taon na!

14 5 0
                                    

OO, BAGONG TAON NA!

Alas diyes, masaya ka pa,
Alas onse unti-unting nawawala na,
Pagsapit ng alas dose ngiti'y napawi,
Kasabay ng mga paputok na namutawi.

Kung gaano ka saya ang iba,
Doon ka rin nalungkot,
Kung gaano kalakas ang tawa,
Kalungkutang mukha naman ang isinuot.

Bagong taon na,
Dapat ngumingiti ka,
Bagong taon na,
Dapat sinasalubong mo siya ng masaya.

Pero bakit mabigat,
Para akong nalulunod sa dagat,
Pinipilit kong umangat,
Ngunit kasiyahan ay hindi sapat.

Bagong taon na,
Oo, bagong taon na,
Pero bakit hindi ako masaya?
Bakit hindi ko magawang tumawa?

Bakit nalulungkot ang mata?
Na nakatingin sa mga paputok,
Bakit malungkot ang mga tainga?
Na nakikinig sa mga tunog.

Diba bagong taon na,
Oo, pinipilit kong maging masaya,
Nag-iipon ako ng mga ngiti,
Ngunit bakit butil ng luha ang namutawi.

Sa mga matang nakatitig,
Sa mga paputok na pumipintig,
Ang mabigat na nararamdaman,
Hindi ko alam kung saan nabahiran.

Bagong taon na,
Sana masaya ka,
Bagong taon na,
Oo, bagong taon na.

010121

Nepenthe's || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now