Ken's

4.4K 71 4
                                    

"Here's your order, thank you for coming!" masiglang paalam ko sa huling customer namin para sa araw na ito.

Grabe, nakakapagod kumita ng pera pero mahal ko ang ginagawa ko. It keeps me distracted from all of my unwelcomed thoughts.

"Ken! Closing na tayo, ah. Ikaw na ang bahala magmonitor dyan sa labas, ako na dito sa loob ng kusina kasi alam kong pagod ka na." saad ni Josh, business partner/bestfriend ko.

Iginiya ko na ang ilang mga tauhan namin kung ano ang mga dapat gawin, tumulong na rin ako sa pag-aayos para madaling matapos. Nang masigurong malinis na ang buong restaurant, sabay-sabay kaming lumabas.

"Dre, sure ka ayaw mong sumama samin nina Sej at Stell? Di naman tayo iinom nang marami, sakto lang."

Umiling ako kay Josh, "Di na dre, pagod din talaga ako. Gusto kong magpahinga na."

"Magmumukmok ka nanaman eh. Para kang tanga, ilang taon na ang nakalipas. Kalimutan mo na si Justin."

Justin. That name, I fucking hate it. I hate everything that reminds me of that name.

"Stop mentioning a long-forgotten name, Josh. Hindi ko na siya hinihintay. Sige na, una na ako."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Josh. Sumakay na ako sa sasakyan ko at nagsimulang magmaneho pabalik sa condo ko. Gustong gusto ko nang humiga at matulog.

Nang makarating ako sa parking lot ay agad akong lumabas at naglakad papunta sa elevator. Napatigil ako nang maramdaman kong may nakatingin sakin. Inikot ko ang paningin ko pero wala namang tao roon kundi ako.

Weird. Lumalakas rin ang kabog ng dibdib ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makaabot ako sa elevator. Dali-dali akong sumakay at pinindot ang 7th floor. Nakahinga ako nang maluwag, "Feeling ko talaga totoo yung usap-usapan na may multo doon sa parking lot. Kainis."

Para akong tangang kinakausap ang sarili. Maya-maya ay bumukas na ang elevator. Nag-umpisa na akong maglakad patungo sa ikapitong pinto.

Lahat na lang ay may kinalaman sa number seven, palibhasa'y ikaw ang pumili ng location nitong condo natin... na inabandona mo.

Bubuksan ko na sana ito ngunit nagulat ako nang makitang hindi ito nakalock. Bumilis ang tibok ng puso ko, pinasok ba ako ng magnanakaw?

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob. Patay ang ilaw sa loob ng condo. Naging maingat ako sa paggalaw ko, inihanda ko rin ang kamao ko in case na may masamang taong sumalubong sakin.

Ilang segundo kong pinakiramdaman ang paligid, wala naman akong nararamdamang pagkilos kaya binuhay ko na ang ilaw. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita kong may nakaupo sa sofa.

Putangina, pinasok nga ako ng masamang tao.

"Anong ginagawa mo dito sa bahay ko?!"

Justin fucking De Dios. Ang kapal din naman talaga ng mukha mong magpakita sakin?

"Bahay ko rin 'to, remember? I can't see any reason why I shouldn't be here." saad nya habang prenteng nakaupo na para bang isang araw lang syang nawala.

Napangisi ako sa sobrang kapal ng mukha nya. He left me two years ago, walang paalam, walang pasabi. Naglaho sya na parang bula, tapos bigla na lang syang babalik na parang walang nangyari? What the fuck is wrong with this guy?!

Hindi ko na siya sinagot, dumiretso ako sa kwarto. Wala akong lakas para makipagsagutan sa kanya. Kaso kung tinatarantado ka nga naman ni satanas, sinundan niya pa rin ako hanggang sa loob.

Home Again (SB19 KENTIN) 🔞Where stories live. Discover now