Bilang 30 - Imahinasyon

14 6 0
                                    

IMAHINASYON

Sa tuwing tinititigan kita,
Napapangiti ako at iyong napapasaya,
Kinikilig sayo dahil ngumingiti ka,
Kumikindat-kindat ka pa talaga.

Kinakantahan mo ako ng magagandang musika,
Binibigkasan mo ako ng magagandang letra,
Binobola hanggang sa ako'y mahulog na,
Sa hagdan, dahil sa kakatitig sayo tuwina.

Hindi nagsasawa sa mukha mong kahalihalina,
Sa ngiti mong kay ganda,
Sa kumikininang mong mga mata,
At sa mga labing mapupula.

Na sayo na ang lahat sabi pa ni Daniel Padilla,
Ikaw na nga kay Willie pa,
Mahal kita ng sobra,
Sayo ba'y may pag-asa?

Gustong gusto kong hawakan ang iyong mukha,
Nais kong abutin ang mga tala,
Dahil gagawin ko ang lahat para sayo sinta,
Upang ikaw ay maging maligaya.

Lalanguyin ang pacific para sayo mahal,
Lalakbayin ang disyerto kahit na matagal,
Aakyatin ang Mt. Everest sa Nepal,
Makasama lang kita kahit hindi matagal.

Ganyan ako kadisidido at katanga,
Sobra sobra,
Para sa pagsinta na laan lamang sayo,
Kasi nga mahal kita.

Ikaw lang ang gusto ko,
Walang iba sa mundo,
Pero ano ba ako sayo?
Ako ba'y kilala mo?

Sapagka't ika'y langit ako'y lupa,
Na isa lamang sa hamak mong tagahanga,
Walang magagawa ika'y purong maharlika,
Ako'y alipin mong taga hugas sayong mga paa.

Ngunit ako ay kuntento na,
Na sa araw araw ika'y nakikita,
At ako ay mna,
Kahit hanggang imahinasyon lang kita.

Nepenthe's || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now