1ST ONE - 17.

27 2 1
                                    

1ST ONE - 17.

"Hmm." Habang abala sa paghiwa sa loaf bread si Jia ay niyayakap siya ni Ace mula sa likuran. Ang mga kamay niya'y nasa kamay ng dalaga, at nakapatong ang baba nito sa kaniyang balikat. "Anong gagawin mo diyan?"

"Papalamanan ko ng mayonnaise na chicken flavored, at may lettuce. Isa kasi 'yon sa paborito namin saka ni Saera," sabi ni Jia. "Paano ako makakakilos nang maayos kung nakayakap ka sa'kin?"

"Believe me, makakagawa ka nang maayos kahit nakayakap ako sa'yo. Kung tutuusin nga'y mas mapapadali ka pa nga."

"Sige, sabi mo e."

Pagkahiwa ng loaf bread sa sampung piraso ay pinaghiwalay ito ni Jia. Isa-isa itong nilagyan ni Ace ng mayonnaise at sinugurong walang naiiwang parte sa mga hati ng loaf bread na hindi napapalamanan. Sunod ay hiniwa ni Jia ang lettuce sa maliliit na piraso at muli itong nilagyan ni Ace ng mayonnaise. At panghuli'y hinati ito sa gitna at ipinagpatong-patong.

"Ang sarap ng mayonnaise." Inilagay ni Ace ang mini knife sa loob ng lagayan sabay kuha ng kaunting mayonnaise. Muli niya iyong tinikman.

"Pwedeng pakuha ng maliit na lagayan na nandiyaan? 'Di ako makakilos dahil nga nakayakap ka sa akin," pakisuyo ni Jia.

"Sige." Kumalas si Ace mula sa pagkakayakap kay Jia. Kaagad siyang naghanap at may nakitang kulay berdeng lagayan na parihaba ang hugis.

Si Jia nama'y kinuha ang mini knife na ginamit ni Ace kanina at siya naman ang tumikim sa mayonnaise. Dalawang beses niya iyong ginawa.

Natigilan siya sabay lingon kay Ace na palapit na rin sa kaniya.

"Hindi mo hinugasan or pinunasan man lang?" tanong sa kaniya ng binata. Inilapag niya ang lagayang nahanap sa tabi ng mga nakahandang mga tinapay.

Hindi nakasagot si Jia.

"May mayonnaise sa gilid ng labi mo," sabi pa niya.

"Ha? Meron ba? Ay, ang amos ko na naman pala hehehe." Natawa ang dalaga at umiwas ng tingin.

"Ako na mag-aalis." Dahan-dahang inilapit ni Ace ang kaniyang hinliliit sa gilid ng labi ng dalaga sabay alis ng naiwang mayonnaise. Nilasahan niya ito at napatikhim. "Mayro'n pa pala."

Muli niyang inilapit ang hintuturo sa gilid ng labi ni Jia, at kasabay nito'y kaniya ring inilapit ang mukha sa mukha ng dalaga. Nagdikit ang kanilang mga ilong.

Sa isang galaw ni Jia ay nagtama ang kanilang mga labi, at kaagad siyang sinunggaban ni Ace ng halik. Hindi siya agad nakatugon, nagugulat siya dahil sa biglaang halik na iyon.

Hindi naman iyon ang unang beses na naghalikan sila.

Hindi pa rin makagalaw si Jia. Hinayaan niya lang si Ace sa ginagawang paghalik sa kaniya. Nakaramdam siya ng pamumula at pagkapahiya.

Nabibigla siya sa ganoong pamamaraan ni Ace.

"Mas sumarap ang mayonnaise," nakangising sabi ng binata nang mailayo ang sarili mula sa kaniya. "Bakit ang pula ng mukha mo?"

One Series: The Dream (1st One + Gift)Where stories live. Discover now