PAGPAPARAMDAM NG NAKARAAN
Masaya na ako ngunit-
Bumalik ka't pinipilit,
Na ako'y maging iyo muli.
Siguro, pwede, oo, hindi na maari.Ayoko na ng pagmamahal mo,
Masaya na akong nakawala sa iyong mundo.
Sa mundong noon ay aking pinapangarap,
Na sa pagtira ko akala ko magiging masarap.Sa pagsasama nating dalawa,
Na akala ko magiging masaya,
Pero bakit naghanap ka pa ng ibang mundo,
Hindi pa ba ako sapat sa iyo?Sabagay, gusto mo nga pala ng kalawakan.
Walo-walong mundo ang nais mong tirhan,
Sinayang ka lang naman nila,
Tapos ngayon babalik ka sa una.Sinira mo ang mundo ko,
Hindi ka na pwedeng pumasok dito!
Kung 'nong una pa lang inalagaan mo na,
Hindi ka na sana ngayon nagpaparamdam pa._
:012021
![](https://img.wattpad.com/cover/165550395-288-k656201.jpg)
BINABASA MO ANG
Nepenthe's || A Poetry Anthology
PoetryMy potion to induce forgetfulness of pain and sorrow just like how the ancient greek used Nepenthe... All Rights Reserved 2021 || Poetry Anthology