cнαpтer oɴe: ѕтαyιɴɢ wιтн тнe ѕтrαɴɢerѕ

16.7K 134 17
                                    

Dalawa ang narrative mode ng story: First-person at third-person Points Of View

This is revised because I figured how horrible it was and I can't stand it.

***

Something is going to change, I can feel it. Tumingala ako sa kalangitan habang nagbabike. Hinahangin ang pulang buhok ko na ang haba ay malapit na sa bewang. Gusto ko talaga ang kulay na pula kaya ano pa nga bang ikukulay ko sa buhok ko? Ipinikit ko ang mga mata at dinama ang simoy ng hangin. I'm this good at biking, I can still keep my balance even if my eyes are closed.

Nagaaral ako sa university na walang pakialam sa kung anong gawin mo sa buhok mo, kaya malaya ang mga estudyanteng magpakalbo o anuman, ma pa babae o lalaki. But it still had rules though, like wearing the school uniform properly, no loitering, no littering, no fights, running in the hallways, etc.

Nang marating ko yung parking lot ng university, pinark ko dun yung bike. Kahilera yung iba pang mga bisekleta. Kinadena ko yung bike, mabuti ng sigurado. Transferee ako. Pangalawang buwan ko na ngayon sa university na 'to bilang second year college student. 

I started walking, pagkapasok ng classroom, agad akong umupo sa armchair. Maya-maya pa pumasok na yung homeroom adviser namin, math ang subject na itinuturo niya. Nakaramdam ako ng kalabit kaya napatingin ako sa katabi ko.

"Gwen, paabot nga kay Janine." sabi ni Aaron habang inaabot sakin yung libro.

Nang hawakan ko yun agad na dumulas sa palad ko, pero agad ko ring hinablot gamit ang isang kamay, isang page na lang ang nahawakan ko. Dahil mabigat na ang natitirang mga pahina na hindi ko hawak at lumalaylay na lang, napunit ang isang page na hawak ko, tuluyang bumagsak ang libro. Naiwan sa kamay kong naka-steady ang isang page na napunit. Lahat napatingin dahil sa pagkapunit at paglaglag no'n sa semento. Tahimik lang kasi kanina dahil nagumpisa nang mag-attendance check si Ma'am.

Napamura si Janine. Agad siyang tumayo mula sa armchair at kinuha ang librong nasa lapag. Hinablot niya mula sa kamay ko ang punit na pahina ng libro.

''Sorry." I muttered. 

Hindi niya ko binigyang pansin, walang-kibong umupo lang siya sa upuan niya.

Sa sobrang pagkainis ni Janine hindi niya ko kinausap ng buong araw. Hinayaan ko lang siya kasi kahit ako rin naman maiinis kung sakin nangyari yun. Pahuhupain ko muna yung galit niya. 

Nang tingnan ko ang professor sa unahan ay wala kong marinig ni isang salita mula sa bibig niya. Para siyang naka-mute. Iginala ko ang paningin, may mga nagdadaldalan at meron din namang nakikinig. Naagaw ang atensyon ko ng dalawang tao sa may bandang kaliwa. Sila siguro kasi masyado silang dikit sa isa't-isa. Napaisip tuloy ako kung kelan kaya ko magkakaro'n ng boyfriend. I hope to see him soon.

Nakuha ng pag-ring ng bell ang buong atensyon ng klase. Hudyat na uwian na namin. Tinapos na ng professor namin sa filipino ang discussion at dinismiss kami. Niligpit ko ang mga gamit pagkatapos kinuha ko na 'yung bag ko at sinuot saka lumabas ng classroom.

"Gwyneth."

Napalingon ako nang marinig ang boses ni bestfriend.

"Bakit?" tanong ko kay Janine. Hindi na kaya siya galit? Nginitian ko siya at hinarap ng maayos.


"Magbestfriend tayo diba?" Janine smiled.

"Oo." nakangiting sabi ko. Hindi na siguro siya galit dahil tinanong niya sakin 'yun. But the question made me confused.

"May isa 'kong kundisyon para mapatawad kita." Lumapit sa tabi niya sina Aaron at Meave. Magkakaibigan kaming apat.

"Ano 'yun?" interesadong tanong ko. Gagawin ko para matapos lang 'to at magkaayos na kami.

Unidentified CharacterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang