Bilang 32 - Magtago Ka Na

11 6 0
                                    

MAGTANO KA NA

Sa pagsapit ng dilim,
Handa nang mamaluktot sa lilim,
Sa pagbuhos ng lanang pinanghahaplos,
Magsisimula ang matinding unos.

Humanda ka na, tumakbo ka!
Sumigaw kung ako'y iyong makita,
Ikandado ang bawat pinto,
Dahil baka dumanak ang mga dugo.

Magtago ka na kapag may maririnig na kaluskos,
Gusto mo 'bang katawan mo'y maubos?
Huwag magpapalinlang sa magandang himig,
Na sa kabilugan ng buwan maririnig.

Nakahanda ka na ba? Takbo na!
Sumigaw, humiyaw at kumawala.
Kapag mahuli kita hindi kana tatanda,
Dahil mas malinamnam ang sariwang bata.

Heto, nandito na!
Namumugto't mapupula ang mga mata,
Huwag 'kang magkakamaling lumingon sa pagtakbo,
Hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.

Takbo, tumakbo ka, takbo!
Naglalaway ako sa iyong puso,
Nariyan na, malapit na ako!
Sasakmalin kita ng buong-buo.

_

Nepenthe's || A Poetry Anthology Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon