Bilang 1 - Pahimakas

53 6 2
                                    

PAHIMAKAS

Kamatayan ang humahadlang sa pagsasama,
Ng dalawang taong nais lang maging masaya,
Nais lang na magmahalan hanggang sa pagtanda,
Ngunit pinagkaitan ng tadhana.

Sa pag-ihip ng hangin sa tuktok ng burol,
Humigpit ang pagyakap ng mga bisig sa marmol,
Kasing lamig ng hangin ang luhang pumapatak,
Sa nakakabinging katahimikan, sumibol ang pag-iyak.

Ng isang pusong nangungulila,
Sa ilalim ng buwan hindi maikakaila,
Na ang buhay ng kanyang sinisinta,
Ay gusto niyang ibalik upang makasama.

Muli, nanaising muli.
Ngunit alam niyang hindi na maaari,
Dahil ang kahapon ay hindi na maibabalik,
Kahit anong gawin mong pananabik.

Hindi na maari pa,
Ang nawala ay tapos na.
Kailangang tanggapin ang katotohanang—
Hindi na maibabalik ang nakaraan.

Ngunit tila hindi niya ito matanggap,
Dahil sa pagsaboy ng abo sa alapaap,
Nahulog sa ilalim ng tubig sa burol,
Ang katawang yumakap sa marmol.

Ang buwan ang saksi sa pagbagsak,
Ng katawang nais makasama sa kabilang buhay ang kabiyak.
Hindi na siya umiiyak sa kapighatian,
Nakangiti na siyang nakatitig sa kalangitan.

_
rainpaintsrainbow

Nepenthe's || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now