Simula

8 0 0
                                    

"Sabine, you're gonna be fine. Stay with us, honey. Stay with us." It's weird. I can hear each word clearly pero parang nasa malayo ang may-ari ng boses. Kasabay non ay ang tunog ng ambulansya. There's a cold hand enveloping mine. It's mom's. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong sa kanya 'yon.

My body's so heavy. Para bang may nakadagan sakin na isang kabang bigas. My reflex was to put my hand over my tummy pero konting ibo palang ng daliri ko ay parang kinuryente na ang aking buong katawan. 

After that was pain. 

I panicked. Biglang bumuhos ang ala-ala ng nangyari kanina.

Highway.

Motor.

Tree.

Kuya's car had an accident. We were inside it with him.

"'My, si Siere." Nothing came out but air. Tiniis ko ang sakit at hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni mommy. Wala akong ibang maisip kundi si Siere at si kuya. 

 Alam kong kahit gano ko subukan higpitan ang hawak ko ay masyado pa rin akong mahina. Pero sapat na 'yon para mareassure sya. "You'll be okay." ani ni mommy.

"They'll be okay, diba?" Ayan na naman. Ang layo-layo na naman ng boses nya pero alam kong nasa tabi ko lang sya. Umiling ako. Kung matatawag bang iling ang ginawa ko. 

Kahit wag na ako. Kahit si Siere nalang. Sya ang unahin nyo. Still, nothing came out but shallow breaths.

Gusto kong umiyak. Wala na naman akong magawa. 

Wala na naman...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unparalleled LifelineWhere stories live. Discover now