Prologue

2.9K 165 26
                                    

Bakit ba kasi ako pumunta dito? Siguradong mamumura ako ng mga kaibigan ko kapag nalamang nasa Bar ako. Nabored lang naman ako sa bahay

"Hi miss can i get you a drink?" bartender ba sya dito? Bakit sya yung mag bibigay sakin?

"Hindi na po" ayan tama yan Stacey tandaan mo lagi yung sabi ng parents mo, gumalang sa nakakatanda

"Po? hahaha too old class" mukha naman talaga syang matanda

"How about we play a game baby girl?" game?! Ngayong gabi? Anong trip nyo kuya? Pero gusto ko din mag laro muna

"Anong laro naman yan?"

"I'll enter you while you scream my name"

Basketball ba? Dito sa Bar? Ayoko nga

"Hindi na po. Alis na po ako" kinuha ko na yung mga gamit ko dahil parang ang weird na ni Kuya, Mama huhuhu bakit kasi ako umalis ng hindi nag papaalam

"Teka lang miss kunyari ka pa eh" hinawakan ni Kuyang panget yung braso ko. Oo panget sya kasi di ko sya bet

"Kuya may jowa po ako"

Kelan pa Stacey? Malalagot ka kamo sa parents mo kapag nag ka jowa kang bata ka. Pinilipit parin ako ni Kuya pero inapakan ko na yung Paa nya tumakbo ako palabas sa bar pero may nakasalubong akong matangkad na babae

Ang daming kapre ngayon. Tumingin ako sa kanya nakita kong color blue yun, hala contact lens ba yun? Ang ganda naman

"Hoy bumalik ka dito!" tumingin ako sa likod ko nakita kong papalapit si Kuyang panget. Lord patawarin nyo ako sa gagawin ko

Kinawit ko yung batok ni girl para halikan, virgin yung lips ko pero kailangan kong gawin to para makatakas sa isang higante

Nanlaki yung mata ni girl pero pumikit nalang ako at nag dasal na sana pag dilat ko ng mata---

Ate Sam?! Agad kong tinanggal yung labi ko sa labi ni girl at humingi ako ng pasensya

"Sorry po!! Hindi ko po sinasad--ay sinasadya ko po pala pero di ko po inaasahan din yun ay basta sorry po"

"You'll pay for these"

Narinig ko pang sabi nya pero tumakbo na ako para sumakay sa taxi. Babayaran? Hala wala akong pera nilagay ko sa piggy bank yung ipon ko. Sana di kami mag kita kahit malambot yung labi nya at maganda yung mata nya nakakatakot padin sya!

Pero si ate Sam!! Waaaahhh!! Lagot na! End of the world naaaa!! Nakita nya akong nasa Bar!!








50 VOTES BEFORE KO ITULOY

CEOWhere stories live. Discover now