Chapter 2

439 41 1
                                    

Jon Whiskey Mendez

HABANG naglalakad ako papunta sa studio, hindi maalis sa isip ko yung lalaking nakatabi ko sa tren kanina.

Para kasing kilala ko siya. Parang nakita ko na siya. Yung pakiramdam na, kahit hindi ko nakita yung mukha niya ay kilala ko siya sa kilos. Pero hindi ko matandaan kung saan. Kung kailan.

Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko, hindi ko napansin ang dalawang taong naghahabulan at mabunggo ako. Sa sobrang lakas ng impact saakin, sumalpok ako sa bakal malapit sa pader.

Hindi naman ako natumba dahil agad akong nakahawak sa bakal din. Medyo makalawang yung bakal at matalim pero hindi ko na pinansin.

Tinignan ko naman sa likod yung naghahabulan. Ano ba nangayari don? Imbis na maroblema, pinagpagan ko nalang yung suot ko at naglakad na ng mabilis para makarating na sa studio agad.

Tinext sakin ni Mr. Garcia na meron akong taping after on-air para naman daw yun sa lifestyle news.

So ang uwi ko dapat ay 8:30 ng gabi ay malilipat ng 9:30. Sanay na ako sa puyat. Tsaka mas challenging kapag ganito. Mas nachachallenge ako.

Nang makarating ako sa building, ang sabi ni Mr. Garcia ay nasa 62th floor daw ang ACNEWS Studio. Tinanaw ako ang building mula sa kinatatayuan ko. Ang taas! Grabe.

Nagsimula na akong maglakad papasok at nag-aabang na yung kuyang guard kaya tinanggal ko na sa leeg ko yung ID ko at inabot sakanya.

“Morning manong guard.” Ngumiti naman siya sakin at kinuha yung ID at siya na mismo yung nag-swipe.

“Bago po, sir Mendez?” Tanong naman niya sakin. Agad akong ngumiti sakanya at tumango. “Opo manong. Wish me luck manong. First day ko ngayon. Hehe.” Sagot ko sakanya bago kuhanin yung ID ko pagkatapos niyang iaabot.

Sumaludo naman siya sakin na kinatuwa ko. “Goodluck sir Mendez. Alam kong kaya mo. Susunod ka sa yapak ng tatay mo.” Sumaludo din ako sakanya bilang pagsagot at ngumiti.

Pero agad akong nagtaka kay manong guard kasi nakatitig siya sa braso ko. Tinignan ko naman yung braso ko at nakikita kong basa. Agad kong hinawakan at nakitang kulay pula.

“Ayos lang ba kayo sir? Anong nangyari dyan bakit dumudugo? Hindi ba masakit?” Medyo natawa naman ako kasi sunod-sunod yung tanong ni manong.

Tumango naman ako sakanya. “Kaya ko na 'to manong. Sige alis na 'ko! Linisin ko muna 'to.” Sagot ko sakanya.

Tumango naman siya kaya tumalikod na ako at naglakad. “Teka! May panlinis ka?” Meron naman siguro akong nailagay sa bag. “Meron manong! Salamat! Good morning!” Sigaw ko kay manong.



NALINIS ko na ang sugat ko at pinalitan ang suot kong polo. Hindi ko na sinuot yung coat kasi may dugo. Medyo malaki din pala yung hiwa.

Agad na akong pumasok sa elevator. May kasabay pa akong iba. Agad kong pinindot yung floor 62. Yung iba naman bumaba na sa floor 50. Mga tatlo nalang kaming natira sa elevator.

Hindi ko naman nakalimutan yung nireview ko kanina. Kahit saktong 12 in the afternoon palang ang pag-ere ko. Mas mabuti ng handa diba?

Nang bumukas na yung floor sa 62, nauna silang bumaba bago ako. Pareho lang pala kami ng floor.

Pupuntahan ko pa kasi si Mr. Garcia. Kailangan daw niya akong makita. Alam ko naman kung nasaan yung opisina niya. Yung don! Sa pinakadulong pinto.

Kahit na kilala ako ni Mr. Garcia ay kumatok pa din ako bago pumasok. Nadatnan ko pa siyang nakatutok sa laptop niya.

“Jon!” Agad niyang tawag sakin. Ngumiti naman agad ako at lumapit sakanya bago nagmano. “Hello po!” Turan ko sakanya bago umupo sa upuan sa harap ng mesa niya.

𝐇𝐢𝐬 𝐌𝐚𝐥𝐞𝐯𝐨𝐥𝐞𝐧𝐭 𝐖𝐚𝐲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon