Dulo

83 10 4
                                    

All Rights Reserved 2021

Disclaimer: This is a fanfic. All publicly recognizable characters, settings, etc. are the property of their respective owners. The original characters and plot are the property of the author of this story. The author is in no way associated with the owners, creators, or producers of any previously copyrighted material. No copyright infringement is intended.

oOo

Alas dos ng madaling araw, halos hilahin ko siya palabas ng bar sa sobrang kalasingan. 

"Ano ba naman Donny lagi kitang pina aalalahanang wag kang iinom ng marami" Daig ko pa bagong panganak, di ko maiwasang umire habang hinihila siya sa kotse. Habol hininga ko noong maiayos ko siya sa passenger seat. 

Anlakas lakas ng ulan. Nagmaneho ko ng 3 hrs kahit galing ako sa team building namin sa Laguna. Worth it naman. Miss na miss ko na siya. Hindi ko maiwasang pasadahan ng haplos yung malalantik niyang pilik mata saka yung kissable lips na gustong gusto kong ninanakawan ng halik. 

"Dalawang lingo tayong hindi nagkita, nawalan ka na naman ng control sa sarili" Hinila ko yung seatbelt para i lock. 

"Rylee" tawag ni Donny. Bahagya akong natigilan. "Hindi ko alam kung papaano ko aaminin kay Sharlene" Tiim bagang akong nakinig sa lasing monologues niya, kagaya ng dati. Ang pinagkaiba lang, hindi na tungkol lang sa mga sumasayaw ng ulap o tumatalon na palaka yung naririnig ko. 

"Rylee, hindi ko masabing hindi ko na siya mahal. Sa tuwing nakikita ko kung gaano pa rin kumikinang yung mata niya sa tuwing nagkikita kami, hindi ko masabing ayoko na. Hindi ko masabing ikaw na yung mahal ko"

Ang sakit. Ang sakit sakit na nagpromise kaming magiging tapat sa isat isa pero after 8 years may nagbago na pala. Kaya pala madalang na siyang magkwento o tumawag man lang sa umaga. 

Ang sakit na sa loob ng walong taon isang beses ko lang siyang naringgan mag I love you.

Kaya pala okay lang na kahit isa o dalawang linggo kaya niyang hindi na mangamusta. 

Pero ang mas masakit? Umiiyak siya. Nahihirapan siya dahil hindi niya kayang sabihin. Pinigil kong wag umiyak. Tahimik kong binaybay yung byahe saka inihatid siya sa bahay. 

Noong maihiga ko siya sa kama. Nahiga ako sa espasyo katabi niya. Wala kong masabi. Sa halip ay niyakap ko nalang siya. Huling yakap, bago ko tuluyang mag paalam sa lalaking hinabol habol ko ng dalawang taon bago mapa oo. 

Siguro nga totoo yung sinabi ni nanay. Kapag ako yung naghabol, mahalin man ako, hindi noon matutumbasan ang pagmamahal na ibibigay ko. 

Alas kwatro noong mapagpasyahan kong iwan yung duplicate ng susi sa bahay. Nagsend lang ako ng text message. 

"Gago ka talaga Dons, alam mo namang mas mahal kita diba? Ibig sabihin non mahalin mo man ako o hindi igagalang ko yung desisyon mo. Lagi kitang susuportahan sa kahit anong desisyong piliin mo. O ito na, break na tayo. Tang ina mo, sakin ka pa nahiya alam mo namang tanggap kita. I love you sagad! Promise mo magiging masaya ka kay Rylee ha. Hindi ko kayang magalit sa'yo. Siguraduhin mong lagi mong sasabihing mahal mo siya. Malaya ka na"

Pesteng mata, ayaw tumigil sa pag iyak. Natatabunan tuloy yung paningin ko. 

oOo

PaubayaWhere stories live. Discover now