Prologue

2 0 0
                                    

' MAAAA! UNA NA PO AKO! ' sigaw ko habang palabas sa gate, late nanaman ako pumasok, palibhasa tinapos ko ang lahat ng gawain na tinambak ng Physical Science teacher namin.

May mga dumadaan na tricycle pero lahat puno, may mga nakasabet pa. Sinipa sipa ko nalang ang bato sa gilid ko, nakakahiya pinagtitinginan nila ako. Nang may makita akong walang laman ay agad ko itong pinara, nice thank you lord.

Sa Kasuno High ako nag-aaral, medyo mahal ang tuition dito dahil private pero kayang-kaya naman nila mama at maganda ang kalidad ng pagtuturo nila, ilang beses na nga silang nabigyan ng award para sa national category kung basehan lang naman ng pagtuturo. Nang makita ko si Jollibee ang guard namen na mataba ay agad akong napairap.

' Oh Zeia, lika na dito grade 11 kana dika parin nagbabago laging late ha ' - bati neto sakin, may hawak na pala, pucha naman bad vibes.

' Kuya Guard late nako, kita mo etong dala ko? tinapos ko to lahat kagabi '

' Wag mo saken isising bata ka ' magsasalita pa sana ako nang may umakbay saken, itutulak ko na sana kaso naamoy ko ang pabango niya, bango talaga.

' Zeia, why late? ' mukha nanaman ni Kian na naka kunot ang noo ang bumungad saakin.

' Manahimik ka Kian, tinapos ko yung activities na binigay ni Madam Leoncito ' sagot ko den sakanya, Rance Kian bestfriend ko, pero siya grade 12 na at ako ay nasa 11 palang. Tawag sakanya dito Rance pero mas gusto ko siyang tawagin ng Kian, kase ugaling bata siya. Naglalaro siya sa soccer team ng school at magaling din siyang sumayaw, kumanta at mag basketball, at apo ng may-ari ng  Kasuno.

'Kuya Jer, pass mo na baka ma late pa' utos nya sa guard sabay hila sakin

'Kian, hayaan mo nalang pag kailangan ko tumanggap ng punishment sabi niyan inaabuso kita' natawa sya saken sabay hawak sa mukha ko

'Sarap mo kagatin pucha HAHAHAHA yaan mo na sayang gawa mo at alam ko dika natulog para dyan dadagdag lang pag pinalinis ka sa garden pagod ka niyan' ngumuso ako sakanya

' Sabi nakipag-away ka kahapon? ' agad niyang inayos ang tayo at nilagay ang kamay sa bulsa ng uniform nya na kulay itim.

'Sino nagsabe? Di naman grabe eh, crush ka daw kase kaya inabangan namin ni Red tas Zeke sa likod ng Guidance.' eto nanaman kami

' At ilang beses ko sinabi na hayaan mo nalang sila? diko naman pinapansin ah ' umiling lang siya at iniwan nako sa may pintuan ng room, agad niya akong tinalikuran kaya kumunot lalo ang noo ko. Minsan siya pa may ganang mag tampo ah.

Agad akong umupo sa likod, pwesto ko malapit sa bintana, nakaupo na sa tabi ko si Heaven at nasa harap naman si Liatyl. Nagusap-usap lang kami at nakinig sa lesson ni madam pagkatapos namin ipasa ang lahat ng activities at project, malapit na matapos ang First semester kaya masakit nanaman sa ulo.

' Kinginang kulay blue, ang sakit ng likod ko ' reklamo ni Heaven sabay suntok sa may bandang balikat niya.

' Pangalan Heaven tas ugaling Impeyrno ' sabi naman ni Lia sabay batok kay Heaven dahilan para magmura nanaman ito, sabay ko silang pinagsabihan habang papasok sa canteen. Nahagilap ko agad si Kian na may hawak na burger at tubig, kinawayan niya ako kaya lumapit den agad ako sakanya habang nasa likod ko yung dalawa na busy paden mag bardagulan.

' Oy Kian, wow burger nanaman para kay Keia with extra cheese no! ' ngumiti lang si Kian sakanya, magkakilala sila pero ewan ko ba neto kay Kian, saken maingay, makulet, pag sa iba kala mo kung sinong suplado.

' Kain kana dito, practice kami sa may field, lapit na intrams eh. '

' Diko tinanong Kian, kaya ko bumili kaya magpractice kana dun. ' umirap ito at lumapit sakin, aba.

' Arte mo kanina kapa ha, isang suntok lang naman yun ah ' proud pa siya ha.

' Edi thanks, bye. ' naririnig ko na kase ang ubo ni Ellaine, may gusto siya kay Kian, i mean madami sila at ako lagi ang inaaway nila palibhasa close kaming dalawa, pero wag silang mag-alala magkaibigan lang kami.

Ngumiti lang siya bago humalik sa may pisngi ko malapit sa tenga, hobby niya yan at nakasanayan ko nalang din.

' Bye, oy Heaven pakainin mo to mamayang lunch kung ayaw mong makakita ng bituin sa tanghaling tapat ' naubo si Heaven at nag dirty finger kay Kian kaya sinuway ko agad, nag wave lang sya bago naglakad palabas ng canteen.

' Si Kian makaasta kala mo mag jowa kayo ' sabi ni Lia sabay tusok sa gatas na binili nya

' Ganoon talaga yon alam nyo naman diba? Masyadong makulit '

' Hinde eh, amoy iba si Kian pag sayo, buti nalang crush ko si Zeke kaya ko siya pinagtitimpian '

' Lande mo, anong connect? ' sabat agad ni Lia, natawa ko. Crush na crush kasi ni Heaven si Zeke na kaibigan ni Kian.

Maghapon lang akong nakinig sa klase, at maghapon den na diko nahagilap si Kian maliban nung uwian. Nasa may tapat kami ng Main building naglalakad.

'Pagod ka?' pansin ko kasi na tahimik sya.

' Oo, pagod na pagod. ' hinarap ko agad sya sabay hawak sa balikat nya, nanlaki ang matang tumingin sya saken. Hinila ko siya at niyakap.

' Charge ka muna dyan, alam ko ako charger mo ' mahina siya natawa sa may leeg ko

' Kaya kita mahal eh ' ngumiti lang ako

' Mahal den naman kita kase mag bestfriend tayo! '

Ngumiti sya ng tipid at naglakad nalang ulit.

' Ayaw na kita maging bestfriend '

napahinto ako sa paglalakad, ano daw?

' Gusto kita maging - ' diko na ito narinig ng maayos dahil bumulong bulong na siya, ngunit alam ko kahit diko ito narinig.

Kian.... wag please.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Long Walk With YouWhere stories live. Discover now