01

37 17 20
                                    

"Almira andyan na yung mga kalaro mo!"

"Pakisabi po sandali lang mamita pat, thank you in advance!", sigaw ng magiliw na dalagang si almira

"Iha tandaan mo ang palaging bilin namin sayo ah, wag na wag mong kakalimutan iyon.", saulo ko na lahat ng habilin ni mamita dahil halos palagi nya yang pinapa alala, sa takot na baka mangyari sakin ang nangyari sa mga karatig barangay namin

"Opo saulo ko na yun mamita 'na huwag kailan man lalapit o humawak sa mga kahit anong kulay ng paro-paro dahil baka kunin nila ako."

"Kahit saulo mo na yan apo siguraduhin mong susunod ka nga sa mga bilin ko.", paninigurado ng matanda

"Mamita kanina pa po kayo paulit ulit ng bilin simula pagka gising ko pa po eh.", naka ngusong usal ng dalaga

"Basta makinig ka nalang apo at siguradihin mong makakauwi ka ng ligtas.", pilit ngiting sabi ng kanyang lola

Dahan-dahang tumango ang dalaga kahit naguguluhan at nagtataka sa inaasal ng kanyang lola. 'Hindi naman ganito mag paalala si mamita dati, hayy baka naka panaginip nanaman siya ng masama.' Sabi ng dalaga sa kaniyang isipan.

"Mamita kung ano man po yung napanaginipan nyong masama tungkol sa akin ay hindi po mangyayari dahil nag iingat naman po ako. Naalala ko pa nga po dati naka panaginip din po kayo ng masama tungkol sa akin diba hindi naman po nangyari, kaya mamita kumalma lang po kayo dahil walang masamang mangyayari sa akin.", paninigurado ng dalaga

"Ali, baka naman pwedeng sabihin mo sa mga kalaro mo na sa susunod nalang kayo mag-laro?", biglang sulpot ng kasambahay nilang may edad na din

"Bakit po manang ara?", takang tanong ng dalaga

"Iha naka panaginip rin kasi ako ng masama tungkol sa iyo, at narinig ko din na tungkol sa paro-paro ang napanaginipan ni señora gaya ng sa akin.", nag-aalalang tugon ng kasambahay na ang tinutukoy ay ang lola ng dalaga

"Ang mabuti pa nga'y huwag ka na munang mag-laro ngayon apo, aba't masamang pamahiin na dalawa kami ni ara ang naka panaginip ng masama tungkol sayo.", pag-pupumilit ng kaniyang lola

"Sige po mamita.", dismayadong sabi ng dalaga tsaka nag tungo papunta sa kanyang mga kalaro

"Ashy hangang anong oras kayo mag-lalaro?", tanong ng dalaga sa kalaro imbis na mag paalam

"Hangang alas sies ng gabi ali, sasali ka pa?", tugon ng kalaro ng dalaga

"Ganun ba, sige pupuslit ako mamayang alas sinco.", sutil na sabi ng pasaway na dalaga

"Aantayin ka namin ali!", sigaw ng isa pang kalaro ng dalaga na si larence kaya sinuklian nya ito nang tango bago tumakbo pauwi sa kanilang bahay

"Nakapag paalam na po ako mamita wag na po kayo mag-alala.", pag sisinunganling ng dalaga

Pag patak ng alas sinco gaya nang napag-usapan ay pumuslit ang dalaga. Habang tinatahak nya ang daan patungo sa puno na malapit sa lugar na palagi nilang pinupuntahan ng mga kalaro ay napansin nyang masyadong tahimik ang paligid at tila wala na dito ang mga bata, dalaga at binata na nag-lalaro. Kahit nag-aalinlangan ang dalaga sa pagka tahimik ng paligid ay tumuloy sya sa kanyang pupuntahan ngunit napahinto din ng makita maraming paro-paro ang naka porma ng pabilog na tila may ginagawa. May napansin ulit na kakaiba ang dalaga na nakapag pataas ng mga balahibo nya.

Nakita nyang ang damit ng kanyang mga kalaro na naka latay sa lupa na may halong dugo ngunit wala na ang mga katawan nito na tila iyon ata ang pinapa libutan ng mga paro-paro. 'Ito na ba yung sinasabi ni mamita at ng mga matatanda na paro-parong pumapatay?!', tanong ng dalaga sa sarili

Nahigit ng dalaga ang kanyang hininga ng mapansin nyang papalapit na sa kanya ang halos isang grupo ng paro-paro. Sinubukan ng dalagang tumakbo ngunit para syang hinihigop ng isang paro-paro palapit sa kasama nitong naka kumpol at naka pabilog, ngunit bago lamunin ng mga paro-paro ang dalaga ay tila nagkaroon ng boses ang isang paro-paro at sinabihan syang "You're now free to play with us ali." At matapos sabihin yun ay biglang naging makukulay ang mga itim na paro-paro.

....

[WARNING!,
PLAGIARISM IS A CRIME!]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Cursed Butterfly (One Shot Story)Where stories live. Discover now