1ST ONE - 18.

23 1 1
                                    

1ST ONE - 18.

"Hay! Makakahiga rin," sabi ni J sabay talon sa kaniyang kama.

*TOK! TOK!*

"Sino 'yan!?"

*TOK! TOK!*

"Sino ba 'yan!??"

"Sorry, maling pinto!" Tinig iyon ni Jayson.

"Jusme," mahinang usal niya. "Maka-online na nga."

**

*TOK! TOK!*

"Jia?"

Bumukas ang pinto. "Oh? Ano sa'tin?"

"Hindi ako makatulog," kamot-ulong sabi ni Jayson. "Samahan mo muna ako, kung okay lang sa'yo."

"Sige, magsasabi muna tayo kay Ace. Baka mamaya e hanapin tayo."

"Sige. Nasa'n ba sjya?"

"Ayun oh." Itinuro ni Jia ang kanang bahagi ng kama. Nakadapa si Ace habang tutok ang atensyon sa cellphone.

"Maghahatinggabi na, saan pa kayo pupunta?" mayamaya'y tanong sa kanila ni Ace sabay tihaya sa kama. "Lalabas ba kayo?"

"Diyan lang kami sa baba," sabi ni Jayson. "Ihahatid ko siya dito mamaya."

"Sige, may midnight siblings bonding yatang magaganap hehe." Ngumiti si Ace sa kanila.

"Sige. Alis na kami."

**

"Yow!"

"Shh! Kagulat ka," sabi ni Gift. "Ano't nandito ka?"

"Mag-live tayo! Kahit mga twenty minutes lang," sabi ni Ace.

*TOK! TOK!*

"Sina Jayson at Jia ba 'yung lumabas?" tanong ni Max.

"Oo. Mukhang may siblings bonding sila." Lumingon sa kaniya si Ace. "Anong ginagawa mo?"

"Mag-la-live ba kayo?"

"Sama ka?"

"Tara. Doon tayo sa kwarto mo, Ace."

"Sige. Sina Joker at Alpha?"

"Ayun, nakatulog na agad. Baka sina Yhena at Marina e tulog na rin. Kakadaan ko lang sa kwarto ni J, online yata siya."

"Tara."

**

"Online nga muna ako saglit," sabi ni Carlo.

Kakatapos niya lang gumawa ng school project na kaniyang ipapasa sa darating na Lunes. Tinapos niya iyon kaagad para ang pagpapahinga na lamang ang kaniyang iintindihin. Ilang oras na lamang ang nalalabi ay muli siyang babalik sa Manila.

1ST.ONE is live.

"Oh?" aniya. "Sa ganitong oras? Anong meron?"

Nanood siya. Sina Max, Ace at Gift ang nasa live. Nandoon sila sa kwarto ni Ace.

"Started at the end, going up to be first! Kumusta po? We are A.M.G!"

'amg?'

'cute!!'

'hello po'

'pa-shout out poo'

'awit buti may load ako!'

One Series: The Dream (1st One + Gift)Where stories live. Discover now