tabachoy *short story*

610 3 5
                                    

Gusto ko matulog ng maaga pero hindi ko magawa. Ayaw ako dapuan ng antok. Maaga pa naman pasok ko bukas. Heto at nag iisip nalang ako ng kung anu ano.

Ah alam ko na, iisipin ko nalang ang dreamboy ko. Tall, white and handsome. pwede na sakin yun. chu choosy pa ba ko?haha sana may mahanap akong ganon. ano kaya itsura ng future boyfriend ko? nacucurious ako. ano kaya ginagawa nya ngayon? ok lang ba siya..kumain na ba siya..masaya kaya siya o hindi? iniisip rin kaya nya ko? hind rin kaya siya makatulog? nakasalubong ko na kaya siya? alam mo future boyfriend, matagal na kita hinihintay. sana mag krus naman ang landas natin kahit isang beses lang. makita ko man lang kung pano ka ngumiti.

Papunta na naman akong simbahan. Yan ang daily routine ko. As usual, magwiwish na naman ako kay Papa Jesus.

" Lord thank you for this day..salamat po sa panibagong araw. Thank you sa family ko and sa lahat ng blessings. Lord ingatan nyo kami palagi ha wag nyo po kami papabayaan. Tsaka Lord sana makilala ko na yung man of my dreams. Nasan na po ba siya? paki sabi bilisan nya ng onti dahil gusto ko na siya makilala. Sorry po kung makulit ako ha? ahm pwede ko na po bang malaman kahityung pangalan nya lang..di bale na po hehe alis na po ako I love you Lord. Amen "

araw araw ako nagpapasalamat sa lahat ng biyaya niya at araw araw din ako humihiling na sana magka love life na ko. Di naman masama yun eh. At least pinagdadasal ko na sana mapunta ko sa isang mabuting lalaki.

Ako si Donna. second year college, nursing student. kakaiba ang araw na to dahil sa ibang school na ko papasok. First day ko ngayon at kinakabahan ako. Ibang tao na naman ang makikilala ko at pakikisamahan. Pumasok ako ng room at ramdam ko ang malamig na titig sakin ng mga magiging kaklase ko. sa likod ako pumwesto. yan ang gawain ng mga taong mahiyain katulad ko.

" transferee? " tanong ng isang lalaki sakin

" oo eh.ikaw din ba? "

" hindi. irreg student lang. awkward noh? "

" oo nga eh. first day sucks "

sa di ko malamang kadahilanan ay naging magaan agad ang loob ko sakanya.

" by the way I'm Jude. "

" I'm Donna. Nice to meet you "

tsaka ko lang napansin na gwapo pala siya. shemay jackpot ako haha! buti naman at may kaibigan na ko kahit paano.

" gusto mo sabay tayo maglunch mamaya? " pag-aya nya sakin

" sige ba. libre mo ha? " biro ko

" sure.sagot kita "

That was the first day in my new school. masaya ako dahil nakilala ko si Jude. hindi maalis sa isipan ko ang maamo niyang mukha. sa gwapo nyang yun mahirap talaga siya alisin sa utak. Lord, siya na ba yung lalaking hinihintay ko? siya na ba yung future boyfriend ko? The best ka po talaga! Napagpasyahan kong lumipat sa section ni Jude para mas makasama ko siya. Dahil dun ay naging ireegular student na din ako. Ok lang basta magkasama kami.

lumipas ang ilang buwan at talagang naging close na kami ni Jude. Marami ngang nagsasabi na mag-on na daw kami. ewan ko pero parang may mutual understanding na samin. Iba siya makitungo sakin. parang may halong romantic love. wala kaming title, but we enjoy each others company.

" ano nakapag aral ka ba? " tanong nya sakin

" hindi eh.sobrang sama ng pakiramdam ko kagabi. stock knowledge nalang siguro "

" papakopyahin nalang kita mamaya kaya tumabi ka sakin. tara punta muna tayong clinic para makainom ka ng gamot "

yan ang isa sa rason kung bakit nahulog ang loob ko sakanya. hindi dahil sa pinapakoya nya ko ah. kundi dahil sobrang alaga nya ako.

tabachoy *short story*Where stories live. Discover now