1ST ONE - 19.

9 3 0
                                    

1ST ONE - 19.

"Jia.."

No response.

"Jia..?"

Still, no response.

"Jia...??"

This time, there's a response.

Napatagilid sa pagkakahiga si Jia sabay taas ng kanang braso. Dahan-dahan siyang napamulat.

"Morning Jia," nakangiting sabi sa kaniya ni Ace. "Tumayo ka na diyan. 09:00 am na. Naggagala na ang mga kaibigan natin."

"Oh e bakit nandito ka pa?" tanong niya. Napahawak siya sa kaniyang ulo at bumuntong-hininga. "Nakakatulog talaga ako 'pag sobra-sobra na ang nainom."

"Oo nga, buhat-buhat ka ni Jayson kaninang madaling-araw. Hinintay kong makauwi kayo." Humiga si Ace sa kama. Napahikab siya.

"Hindi ka ba nakatulog nang maayos dahil sa paghihintay sa amin?"

"Ewan ko. Gusto ko lang talagang matulog. Ginising kita dahil baka may gagawin ka." Tumagilid si Ace at hinigit si Jia palapit sa kaniya  Napahiga ang dalaga at napayakap sa kaniya.

"Wala naman akong gagawin, e. Matulog na lang tayo."

"Sige, tabi tayo."

"Ayoko nga."

"Bakit, haha!"

"Baka mapag-isipan tayo."

"Sus." Gumulong pakanan si Ace sabay kuha ng isang unan, at inilagay sa pagitan nila ni Jia. "Ayos na?"

"Sige, mas okay 'yan." Tumalikod si Jia mula sa kaniya at muling nahimbing sa pagkakatulog.

"Ang cute mo.." Napapikit na lamang si Ace at tuluyang nakatulog.

**

"Iba pa 'to sa Riverside." Nilingon ni Yhena si Alpha matapos iyong marinig. "Maganda din dito, hindi ba?"

"Oo naman," nakangiting sagot ni Yhena.

"Hindi na sumunod si Ace?" tanong ni Joker sabay lakad palapit sa dalawa. "Oh, may binili akong makakain natin."

"Salamat."

"Hindi na siya tumawag e," sagot ni Alpha. "Baka naman magkasama sila ni Jia?"

"At sure akong natutulog sila," sabi ni Jayson sabay lapit sa kanila. "Hindi na ako magtataka."

"Saan ba kayo nanggaling?" tanong ni Max nang makalapit si Jayson. Sama-sama silang naupo sa mahabang upuan na nakaharap sa Han River.

"May kalayuan mula sa Entertainment." Lumingon sa kaniya si Jayson. "Nag-barbeque date kami. Saka nagkwentuhan at uminom."

"Kaya naman pala," sabi ni J. "E di nakainom ka rin?"

"Kaunti lang naman," aniya. "Kawawa naman kami kung babalik kami na parehong lasing. Saka, hindi ako sanay na umiinom, kahit na Soju pa 'yan."

"Ay, 'yun lang," sabi ni Alpha. "Sabi mo nga, nag-usap kayo. Anong pinag-usapan niyo?"

"Oo nga? Share naman," usisa ni Marina.

"About sa pamilya namin," ani Jayson. "About sa mama niya. About sa love life niya.."

"Love life nina Jia at Ace ba kamo?" tanong ni Yhena. "Hmm.."

One Series: The Dream (1st One + Gift)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt