1ST ONE - 20.

14 1 1
                                    

1ST ONE - 20.

"Hindi ka na ba hina-hang-over?" tanong ni Jayson kay Jia nang matapos ang kanilang pakikipag-usap kay Carlo.

"Hindi na. Nakatulog ako nang maayos hehe," sagot niya. "Sa'n kayo nanggaling?"

"Sa N Seoul. Maggagala pa raw sila, Hindi na ako sasama. Tinamad ako bigla."

"Kailan ka pa tinamad?"

"Ewan ko, haha! Wala lang talaga akong gana na maggala. Dito na lang ako, magpapalipas ng maghapon."

"Nandito lang pala kayo."

Nilingon ng magkapatid si Ace. Nakasuot siya ng gray sweatpants, white shirt na napapatungan ng denim jacket, at may itim na relo sa kaniyang kanang kamay. Nakasuot ng white rubber shoes, may sukbit na backpack at nakangiting hinarap ang dalawa.

"Pasasaan ka?" tanong ni Jia.

"Sasama sa kanila. Kayo? Sumama kayo, may picnic na magaganap," nakangiting sagot ni Ace.

"Tinatamad ako," sabi ni Jayson.

"E? Ikaw, tinatamad?"

"Natanong ko na 'yan," sabi ni Jia. "Wala daw siyang gana na maggala. Balak ko sana sumama, kaso maiiwan naman siya dito."

"Ayos lang ako, sumama ka na," sabi ni Jayson sa kapatid. "Mag-enjoy kayo."

"Sure ka?"

"Oo naman. Wala namang mangyayari sa'kin dito e. Hindi rin naman ako lalayo mula dito."

"He'll be fine here, I'm sure. Kung may mangyari man, tumawag ka agad, ah?" sabi ni Ace.

"Oo, tatawag agad ako."

"Sige, tara na Jia." Inakbayan siya ni Ace.

"Ingat kayo at mag-enjoy." Ngumiti si Jayson.

Nginitian at kinawayan sjya ng dalawa. Kaagad silang naglakad palabas ng building, sinalubong sila nila J.

"Anong laman ng backpack mo?" tanong ni Alpha kay Ace.

"Paper cups, spoons and plates, candies and mallows," sagot ni Ace. "Bili na lang tayo ng iba pang mga pagkain."

"Sa 7/11, tara," sabi ni J.

"Kaniya-kaniya bang pera?" tanong ni Max.

"Bahala kayo," sabi ni Ace. "Dapat kakasya sa lahat ang mga bibilhin natin, ah?"

"Yes leadernim!"

"Good. Tara na!"

**

"Dito Ace. May nakita akong ramen," sabi ni Alpha sabay hatak kay Ace patungo sa dulong estante.

"Hindi na talaga siya nagsawa sa ramen," natatawang sabi ni Yhena kay Jia sa may di-kalayuan.

"Gano'n din naman si Jayson," sabi ni Jia.

"'Uy Jia, Yhena, bumili kayo ng ice creams. 'Yung nasa cone daw," sabi ni J.

"Asan ang pera?" tanong ni Yhena.

"Here." Inabot ni Alpha ang credit card niya kay Yhena. "Nasa cone, ha? Chocolate."

"Okayyy. May Sprite diyan, 'di ba?"

"Oo, dalawang 1.5 litres na bibilhin," sabi ni Gift.

One Series: The Dream (1st One + Gift)Where stories live. Discover now