Manhid?

31.1K 1.1K 204
                                    

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

---

"What do you want na naman?" asar kong sambit sakanya sa aking cellphone. Gosh. It's only nine in the morning.

Nakakaasar kasi sa dinami-dami ba namang lalaki sa mundo sa kaniya pa ako nagka-gusto? Ay hindi pala crush lang. Ano bang pinagkaiba non sabi kasi ng iba mag kaiba yun pero sa pagkakaalam ko iisa lang yun. Yung iba ngang tao diyan, ginagawang LOVE ang crush. Nakakastress basta ang alam ko ay CRUSH ko lang siya. PERIOD.

"Crush mo ako diba?" Sambit nya sa kabilang linya. I rolled my eyes. Yeah whatever. He knows. So, ano naman kung sabihin ko sakanya. Wala namang pakialam yan sa bagay bagay. Manhid kasi. We used to be bestfriends before the night he got drunk, nawala lahat yon. Well, hindi lahat, We're frienemies.

"Ano ba naman yan. Paano kita mabubuhat kung ganyan ka naman kabigat." Paulit ulit kong reklamo sakanya. Sa sobrang bigat nya ay bumagsak siya sa akin at natumba kami sa sahig. Sa awa ng diyos hindi naman nabagok ulo ko. Hingang malalim Mane. Kaya mo toh. Pilit ko siyang itinatayo sa harapan ko kaso sobrang bigat niya. Nang makakatayo na sana ako, napapitlag ako nang marahang bumukas ang mata niya.

"Alam mo ba na gusto kita? Pero hindi mo nararamdaman yun kasi sa iba ka nakatingin. Sa ibang lalake. Alam ko na matagal mo nang gusto yang lalaking yan. Pero mas lamang naman ako jan kahit hindi ko yan kilala. Hindi man sa ugali pero sa pagkakagusto ko sayo. Doon. Doon ako makaka-siguradong lamang ako. Kaya Mane, Gusto kita, sana matanggap mo ako" Hindi ako nakasagot agad dahil na rin sa gulat. Kasabay ng pag lunok ko ay ang pagtitig nya ng seryoso sa aking mga mata. Tila binabasa ang aking iniisip.

Makalipas ang ilang segundo ay bigla na lamang itong rumolyo sa sahig at humalakhak ng sobrang lakas.

"Priceless ng reaksyon mo! Sa tingin mo, magkakagusto ako sayo?" Patuloy pa rin siya sa pag halakhak. Dahil doon tuluyan ng tumulo ang luha ko. Ang sakit. Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang paglapad ng kamay ko sa kanyang mukha. Nang dumako ang tingin ko sakanya ay nakita ko na mahimbing na itong natutulog.

That happened 2 years ago and I was 18 back then. Pagkagising niya ng umaga, parang walang nangyari. Dahil na din sa lasing siya ay hindi niya matandaan. Nagulat na lamang siya nung galit na galit ako sakanya. Nawala na naman na ang galit pero sinusungitan ko pa rin siya hanggang ngayon. At isa pa, umasa ako na totoo ang sinabi niya, right?

"Earth to Mane?" nabalik ako sa katinuan nang magsalita siya at napansin kong naging seryoso na ang tono ng boses niya. Parang hindi maganda ang kutob ko dito.

"Still here. What do you want? Kakagising ko lang at kung ayaw mo na namang mag-init ang ulo ko eh. Sabihin mo na kung bakit ka napatawag" I rolled my eyes again. Sabi nga nila, magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising. Tama ba?

"I need to talk to you. Let's meet up. Sa garden ng University. 3 pm sharp." Pahinto-hintong sabi niya at agad naman ako nagtaka dahil minsan lang siyang mag seryoso ng ganito. Masyado bang importante yung sasabihin niya?

Nag ready na ako kahit alas tres pa ng hapon ang usapan namin. Natapos ako pagkatapos ng dalawang oras. Kaya nag pasya akong kumain nalang muna sa restaurant. Pagkadating ko sa mall ay dumaan muna ako sa starbucks at umorder ng favorite kong Frappe at dumiretso nang kumain.

Manhid? [One-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon