Bilang 38 - Adhika

12 2 0
                                    

ADHIKA

Binabahiran ang sariling katawan,
Kapalit ng sarap na natitikman,
Kailangang gawin upang mabuhay,
Sapagkat noon hindi nakamit ang tagumpay.

Nalunod sa alak,
Suminghot at humalakhak,
Yakapang sa malamig na panahon,
Nadadaig ang init ng pugon

Hindi mawala sa mga ala-ala,
Naging maayos ang buhay sana—
Kung nagtino pa lang sa una,
Hindi magsisisi sa mga ginawa.

Natapos ang mainit na pagtagpo,
Sa bulsa ng kasama kanyang nasapo,
Ang kaninang kanyang nakayakap,
Sa mga mata'y hindi na mahagilap.

Iniluwa nito ang isang orasan,
Na ani mo'y pinaglumaan,
Nasayang ang kita sa isang gabi,
Isang lumang bagay ang naganti.

Matagal na tinitigan,
Iniisip kung anong mahalaga sa nahawakan,
Kung maibabalik lang nito ang mga nagdaan,
Handa akong itama at muling subukan.

Bumaliktad ang pag-ikot,
Noo'y napakunot,
Umilaw—nakakasilaw,
At ang nakaraan ay natanaw.

Nepenthe's || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now