. . . ⇢ 22 ˎˊ˗

678 30 1
                                    

"hello, joy!"

agad nawala ang ngiti sa labi ni joy pagkapasok niya sa dance practice room kung saan sila magpa-practice para sa kanilang pageant, paano kasi ay si lucy ang agad bumungad sa kanya.

bigla tuloy nawalan ng mood si joy.

"hi." pilit na ngiti ang ipinakita niya kay lucy at saka tuluyang pumasok sa loob.

doon ay nakita niya si jay na hawak ang phone habang nakangiti at obvious naman na may ka-chat or ka-text. ibinaba ni joy ang dala niyang gamit at lihim na napairap sa hangin.

may kalandian na naman, as usual. she thought.

"oh? you're already here joy, simulan na natin ang practice." rinig niyang saad ng kanilang teacher.

nagsi-ayos ang mga kasamahan niya at ganun din si jay. napatingin pa si joy kung nasaan si lucy at hindi maiwasang mapakunot ang noo. nagtataka kasi siya kung anong ginagawa ng babaeng 'to eh literature department siya at hindi naman kasama sa practice?

sila na ba ni jay?

hindi alam ni joy kung bakit iyon ang unang pumasok sa kanyang isipan. siguro dahil naf-feel niya lang? sila kasi ang madalas magkasama kaya hindi malabong girlfriend na siya ni jay kaya ganun.

napakagat sa labi si joy at napabuntong hininga. naramdaman niya kasi ang biglaang pagkirot ng kanyang puso at syempre dahil 'yon kay jay at lucy at sa kung ano mang meron sa kanilang dalawa.

-♡️-

julie
@liekim

joy
julieee!

joy
pede pasabay?

joy
hindi yata ako masusundo ngayon

julie
huh? bakit?

joy
absent yung driver namin

joy
si mama naman hindi pwede kasi oras pa ng trabaho niya ngayon

julie
uhm ano kasi joy, kasabay ko si heeseung ngayon

julie
hindi ko..

joy
oh?

joy
ayos lang

joy
siguro maglalakad na lang ako

julie
bakit hindi ka magpahatid kay jay?

julie
siya minsan ang naghahatid sayo diba?

joy
si jay?

julie
oo

joy
okay, thank you

julie
sige, basta chat mo na lang ako kapag nakauwi ka na sa inyo

joy
sige, thanks again

-♡️-

jay
@rasleader

joy
jay?

joy
pede favor?

joy
pede bang ihatid mo ko?

joy
please?

campus flirt. pjsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon