1ST ONE - 21.

12 1 0
                                    

1ST ONE - 21.

"Ah, alam ko na. Akala ko kasi..." nakasimangot na ring sabi ni Jia.

"Akala mo ano?" Nilingon siya ni Ace. "Seryoso ako sa'yo, ano ka ba? Alam ko naman ang nararamdaman mo e. Hmm? Don't be sad, okay?" Nginitian niya si Jia sabay yakap patagilid.

"Ayieee, napapangiti na siya," sabi ni J.

"Gusto mo bang mabigwasan?" tanong ni Jia sabay tingin kay J.

"Luh? Leadernim oh, inaaway ako."

"So, okay na kayo?" tanong ni Alpha.

"Okay na. Siguro epekto lang 'to ng mood swings ko," sabi ni Jia.

"So, kapag may banat ako e 'aprub' na sa'yo?" tanong ni Ace.

"Hmm, dipende."

"Sige, okay na 'yan."

"Hay nako, kaya mas gusto kong maging single na lang muna kasi para hindi mamroblema gaya niyo," sabi ni J at ipinagkrus ang dalawang braso.

"Bitter ka lang kasi, charot." Natawa si Max pagkasabi niyon.

"'Oy Max, tigilan mo ako ah?"

"Hahaha, oo na oo na," anito sabay peace sign.

"Sabi ko kagabi e hindi ako gagala.." sabi ni Jia habang nakain ng chips gaya ni Yhena. "Pero nandito ako ngayon."

"Kasama mo naman kami," sabi ni Gift. "Masyadong boring kasi kung doon ka lang sa Entertainment.."

"Tama ka naman," aniya. "Gusto niyong pumunta sa Hongdae?"

"G ako," kaagad na sabi ni Alpha. "Marami na namang laganap na dance coverist. Hahaha."

"Lagi naman 'no. Kaya nga alive na alive do'n, e."

"Ang daming tao," sabi ni J. "Kaya mas masaya."

"May klase na nga pala ulit bukas. Kailangan kong tapusin ang huling linggo ko sa school bago ako tuluyang umuwi ng Pinas."

"Oo nga pala ano," sabi ni Ace. "Hatid kita sa school mo bukas?"

"Sorry pero may tagahatid na ako.."

"Sino?" halos sabay-sabay na tanong ng lahat maliban sa kaniya.

"Si Minje-oppa, hindi siya busy kaya maihahatid niya ako gamit ang bike niya. Ayokong sumakay sa bus."

"Ahh.." Tumango si Ace.

"H'wag mong sabihing nagseselos ka na naman?"

"Hindi. Tanggap ko na. Siya ang kasa-kasama mo, 'di ba? At halata naman na close na close talaga kayo.."

"Hmm, pero sige. Sasabihin ko kay oppa na ikaw na ang maghahatid sa akin simula bukas."

"Talaga? Good girl." Nginitian ni Ace si Jia.

**

"Grabe! Ang saya talaga mag-stay dito," sabi ni Joker. "Bukas ulit!"

"Araw-arawin mo na," sabi ni J. "Oo nga e, nakaka-relax. Dapat pala ay noon pa tayo pumunta dito."

"Bakit nga ba ngayon lang, haha!" sabi ni Alpha. "Ang bilis ng oras, palubog na ang araw. Lumalamig na rin pala."

"E di maglinis na tayo?" sabi ni Max. "Tapos diretso sa Hongdae."

One Series: The Dream (1st One + Gift)Where stories live. Discover now