1ST ONE - 22.

20 2 1
                                    

1ST ONE - 22.

"Ang sakit.." iritableng sabi ni Jia.

"Hindi yata epektibo ang pain reliever," sabi ni Ace. "Sorry, ha? Gaano ba kasakit?"

"Medyo lang naman. Ngayon ko lang ulit naranasan 'to. Ang ganitong sakit kapag mayroon ako. Hindi kasi ganito no'ng mga nakaraan."

"Halika." Muling niyakap ni Ace si Jia patagilid.

"Nagmumukha akong third wheeler sa inyo," natatawang sabi ni Jayson. "Malapit na tayo sa train station."

"Bumili ka ng kahit anong magustuhan mo," sabi ni Ace kay Jayson. "May bibilhin kasi si Jia, hehe."

"Ah gano'n? Sige."

Tuluyan nilang narating ang train station. Sa may gilid ay may mga nakahilerang mga tindahan ng damit. May cosmetics shop din sa isang gilid. Sa kabila pa ay naroon ang mga kung anu-anong souvenirs na maaring ipasalubong para sa sarili at sa kakilala. May mga iba pang stalls na nandoon.

"Ayon, pumili ka na. May lady's comfort room sa store na 'yon kaya makakapagpalit ka na," bulong ni Ace kay Jia.

"Itim na shorts gusto ko," sabi ni Jia. "Ako na bibili."

"Sige."

Kinausap ni Jia ang babaeng nandoon at pasimpleng kinuha ang isang set ng kulay itim na underwear matapos kunin ang black short na gusto niya.

"Magsuot ka na lang ng pajama, h'wag kang mag-shorts. Masyadong malamig," sabi ni Jayson sa kapatid. "Ito oh." Inabutan niya si Jia ng pajama na kulay itim din, may bulsa iyon magkabilaan.

"Sige," hindi na tumutol pa ang dalaga. "Saka shirt na itim na rin."

"Black ba favorite mong color?" tanong ni Ace.

"Yes, aside sa white. Maganda lang talaga ang black na suot," aniya. "얼만에요?"

*How much?*

Pagkabayad ay kaagad siyang dumiretso sa lady's comfort room at ginawa ang dapat niyang gawin. Samantala, sina Ace at Jayson ay panay ang suot ng shades na nadadampot at nagugustuhan.

"Picture tayo, bili," sabi ni Ace sabay tapat ng front camera ng cellphone sa harap nilang dalawa. Naparami sila ng kuha, iba't-ibang shades, poses at kung anong ma-trip-an na gawin sa harap ng camera.

"Ise-send ko lang sa GC, para naman matuwa sila hehe," sabi ni Jayson.

"Sige. Bibilhin ko 'to, ito, ito... at ito." Kumuha si Ace ng apat na shades sabay tanong ng presyo niyon sa lalaki na nandoon. Isinilid iyon sa plastik na siya ring nilagay ni Ace sa backpack niya.

"Ito bagay sa'yo." Sinuotan ni Jia si Jayson ng kulay dilaw na hairband na may dalawang tenga. "Hala! Ang cute!"

"Nandiyan ka na pala." Nilingon ni Ace si Jia. "Wow, ang cute naman ni maknae!"

"Pihitin mo ang magkabilang side pababa at gagalaw ang mga tenga niyan," aniya. "Ano sa'yo?"

"Shades. Gusto mo ng isa?"

"Patingin nga.." Binuksan ni Jia ang backpack ni Ace. "Black gusto ko."

"'Yan.." Inabot ni Ace ang isang black na shades sa dalaga sabay suot sa sarili ng isa.

"Isusuot ko 'to?" tanong ni Jayson. "Gusto ko rin niyan, e."

"Ah, kay Marina na lang. Sure akong magugustuhan niya 'yan. Pero sa'yo na 'yan, bibili na lang ako ng isa pa para sa kaniya," sabi ni Jia.

One Series: The Dream (1st One + Gift)Where stories live. Discover now