1ST ONE - 26.

17 3 1
                                    

1ST ONE - 26.

Dumating ang train na sasakyan nila. Nang huminto ito ay bumukas lahat ng mga pinto at nagsilabasan ang ilang pasahero. Saktong nasa tapat nila Jia ang isa sa mga pinto ng train kaya mabilis silang nakapasok sa loob. Bahagyang marami na ang nasa loob, at kakaunti na lamang ang espasyong natitira sa mga mahahabang upuan magkabilaan.

"Do'n sa kabila," sabi ni Jia at doon sila naupo.

Saktong iisa lang ang pasahero na nasa kaliwa, at wala namang nakapwesto sa kanan. Nagkasya sila at komportableng naupo.

"Mostly sa loob ng trains dito ay walang makikitang nakatayo at nakakapit sa gilid," sabi ni Ace sabay tingin sa mga bilog na hawakan sa itaas na nasa pinto na malapit sa kanila. "Unless, kung kailangan talaga."

"Ang ganda dito ano," sabi ni Marina. "Pati ang mga nadadaanan."

"Ang maganda dito ay nakikita mo ang dinadaanan ng train," sabi ni Jia. "Pwede ka nga rin makatulog sa shoulder ng katabi mo, hahaha! Ingat-ingat lang at baka hindi maganda ang mangyari."

"Parang sa Korean Drama ang peg," sabi ni Alpha.

"Bakit? Nakatulog ka na ba sa balikat ng katabi mo?" tanong ni J.

"Oo," sagot ni Jia.

"Kanino?" sabay-sabay nilang tanong.

"Curious na curious naman kayo," aniya. "Classmate kong si Kyomin. One time kasi na pauwi na ako from school, saktong nagkasabay kami kaya ayon. Hhindi ko namalayan na nakatulog ako sa balikat niya. Pagod na pagod ako no'ng time na 'yon gawa ng naging marami ang projects sa school, saka galing sa trabaho bago pumasok."

"Ah, makikita ba namin siya pagdating sa school niyo?" tanong ni Alpha.

"Oo naman. Lagi nga akong inaabangan no'n. Naging friends na rin sila ni Minje. The fun fact is, gaya nina Ate Yhena at Marina ay inakala ni Kyomin na boyfriend ko si Minje-oppa gawa nga ng siya palagi ang nakikita niyang kasama ko.. lalo na sa school."

"Ah... E ano sinasabi mo sa classmate mo no'ng inakala niyang 'boyfriend' mo si Minje?"

'Pinagdiinan pa talaga..' - Ace.

"E di sinasabi ko na friends lang kami ni Minje, na parang magkapatid na kami dahil sa closeness namin. Saka 'di ko naman siya type. Siguro sa pagiging sweet and caring niya, okay na okay sa'kin 'yon. Pero kung tatanungin niyo ako, hindi ko siya kailanman magugustuhan like on another level. Alam ko sikreto niya, kaya paano ko siya magugustuhan pa?"

"Anong sikreto 'yan?" Doon muling nagsalita si Ace.

"Interesadong-interesado naman," natatawang sabi ni Jayson.

"Lahat naman tayo siguro," sabi ni Max.

"So ano nga?" tanong ni J.

"Basta, sa amin na lang 'yon," nakangiting tugon ni Jia. "Isa pa, bakit ko pa siya magugustuhan? E nandito na nga 'yung taong gusto ko. Katabi ko na nga e."

"Ako ba?"

"Feelingero ka, J."

"E katabi mo ako, hindi ba?"

"Ako kasi ang tinutukoy niya. 'Di ba Jia?" tanong ni Ace.

"Hindi naman kita itatanggi," sabi ni Jia.

"Ah, 'yon naman pala.." sabi ni Yhena. "Nakangiti na si Ace oh."

"Kanina lang e nakabusangot pa 'yan," natatawang sabi ni Joker.

One Series: The Dream (1st One + Gift)Where stories live. Discover now