1ST ONE - 27.

12 3 1
                                    

1ST ONE - 27.

Namangha ang magkakaibigan dahil sa kasimplehan ngunit karangyaang anyo ng loob ng bahay. Puros puti at light brown ang makikita sa kabuuan ng bahay. May mga chandelier, nasa gitnang kisame ang pinakamalaki at pinakamaliwanag sa lahat. Walang masyadong pigurin, puros maliliit na paintings ang nasa apat na sulok na dingding. Nasa gawing kaliwa ang di-kalakihang living area, nasa gawing kanan ang hagdanang yari sa kahoy, paikot iyon papunta sa second floor.

Mula sa kinatatayuan nila ay ang daan patungo sa kusina, at ang katabi ay dining area. May mga kwarto sa kabilang gawi ng hagdanan bago marating ang kusina. Sa may hagdanan ay nasa dingding ang watawat ng South Korea, at may mangilan-ngilang maliliit na paintings doon.

"You may not remove your shoes, it's alright," sabi ni Yuna at iginawi ang magkakaibigan sa living area. "Sit down. I'll bring the cupcakes and the tea."

"I'll help you," prisinta ni Jayson.

"Aww, thank you.."

Dumiretso sina Yuna at Jayson sa kusina. Nagsabi sa kanila ang asawa niya na didiretso muna siya sa itaas upang magpalit ng damit. Ang magkakaibigan ay abala sa mga nakalagay sa ibaba ng malaking coffee table na nasa harap nila.

"Mahilig si Yuna sa magazines, lalo na sa cosmetics," sabi ni Ace.

"Ang daming novels dito sa kabila," sabi ni Joker. "Nahihilo akong basahin."

"E 'di ka naman masyadong palabasa ng novels, at hindi ka naman fluent sa Korean.." sabi ni J.

"Sila lang bang mag-asawa ang nakatira dito?" tanong ni Gift.

"May dalawang kasambahay sila, pareho daw naka-leave ngayong araw. Okay lang naman sa mag-asawa kasi wala namang masyadong gagawin," sabi ni Ace.

"Paano kung sa lunch time na lang tayo pumunta sa Namdaemun Market?" sabi ni Max. "Nagugustuhan ko na dito, e. Saka gusto ko do'n sa pool."

"E di sabihin natin kay Yuna," sabi ni Alpha.

"Ano nga palang pangalan ng asawa ni Yuna? Ni hindi man lang nagpakilala," sabi ni J.

"Junho," sagot ni Ace.

"Junho? 'Yun 'yong sa My Korean Jagiya, 'yung si Alexander Lee?" sabi ni Marina.

"Alam mo pala 'yon?" tanong ni Yhena

"'Sa GMA 'yon, hindi ba?" tanong ni Gift.

"He was a KPop boy group member before," sabi ni Ace. "U-Kiss, right?"

"Yeah!" sabay na sagot nina Yhena at Marina.

"Kilalang-kilala," sabi ni Alpha.

"Pero not as Kim Junho, ang pangalan niya is Jang Junho," sabi pa ni Ace. "Minje introduced me to Junho, kaya nakilala ko siya, and nakilala niya ako. I met him noong nag-uumpisa pa lang ako mag-training. And I guess, sinabi ni Junho kay Yuna ang about sa atin kaya kilala niya tayo--------Actually mukhang hindi pa makapaniwala nang makilala tayo."

"Nakakatuwa nga e. And nasabay pa ang debut day natin dito sa birthday ko."

"Double celebration indeed," sabi ni Joker. "Ano bang plano sa birthday mo?"

"Kung may plano ba ang Alphanation para sa'kin, sana malaman ko."

"Naalala ko tuloy no'ng may pa-surprise para sa'yo ang Alphanation noong debut natin sa Pinas, at dahil sa dakilang chismoso ko, nalaman mo ang plano nila. Kaya pala parang wala kang naging reaction noong naganap ang surprise sa'yo," natatawang sabi ni Max.

One Series: The Dream (1st One + Gift)Where stories live. Discover now