1ST ONE - 28.

16 2 1
                                    

1ST ONE - 28.

Dumaan ang lunch time. Nagpaalam na sila Ace kina Yuna at Junho na sila'y aalis na. Kaagad silang naglakad palabas ng subdivision na iyon.

"Grabe, nag-enjoy ako," sabi ni Max.

"Halata nga naman," sabi ni Marina.

"Tumawag si Jia," sabi ni Ace sabay lingon sa mga kaibigan. "Nagpapabili ng pang-lunch niya."

"E di dumiretso na tayo sa Namdaemun Market!" sabi ni Joker. "Isama na natin siya."

"Sabagay, ala-una pa naman ang afternoon class niya. Tara."

Mabilis silang nakarating sa Hongik University. At nakaabang si Jia sa main gate.

"Tara na," sabi ni J. "Excited na akong tumingin-tingin do'n."

"Tara na nga," sabi ni Jia sabay kapit sa braso ni Ace.

"Naks, may pakapit-kapit pa."

"Halika, kapit ka rin."

"H'wag na," sabi ni Ace. "Kaya niya sarili niya."

"Sus, 'yan na naman siya," pang-aasar ni Jayson.

"Tara na nga kasi!"

"Hahaha!"

Masaya silang naglakad. Hindi naman gaanong mainit kaya hindi na sila nagbukas ng mga payong.

"Kumusta kila Yuna?" tanong ni Jia kay Ace.

"Ayon, enjoy na enjoy sila," sagot ni Ace sabay lingon sa mga kaibigan. "Kahit ako rin naman."

"'Oy, tuloy ba ang swimming natin do'n sa weekend?" tanong ni J.

"Natanong mo ba Ace?" tanong ni Gift.

"Buti at natanong ko si Yuna kanina," sabi ni Ace. "May gagamit ng pool, friends daw ni Junho. May birthday na i-ce-celebrate kaya doon sila sa bahay nila. Saka, pwede naman tayong mag-rent ng ibang place na may swimming pool para maka-swimming."

"May plano kayong mag-swimming?" tanong ni Jia.

"Sa weekend daw," sagot ni Max.

"May alam akong place kung saan pwede," aniya. "Sasabihin ko agad sa may-ari na sa weekend ay rerentahan natin ang place niya."

"Saan ba 'yon?" tanong ni Joker.

"Malapit sa Gangnam."

"Sino may-ari?"

"Kang Daehyun. Siya ang nagmamay-ari ng mini resort na 'yon. Kilala ko siya kaya mapapaki-usapan ko."

"So, mini resort pala," sabi ni Ace. "Kapag pumayag, rentahan na natin agad."

"Isama natin sila oppa. Mas marami, mas masaya!"

"G na 'yan!" sabi ni Alpha. "Nakaka-miss din mag-swimming ano.."

"Kahit nga ako. Kaya nga naisip ko ang mini resort ni Daehyun. Sure naman ako na papayag siya agad, hehe."

Mga ilang minuto ang nagdaan ay narating nila ang Namdaemun Market. Marami ang tao at masyadong maingay, alive na alive ang kahabaan ng kalsadang iyon na napaliligaran ng stalls na mayroong mga damit, iba't ibang food stalls, home appliances, cosmetics, souvenirs at iba pa na talagang magugustuhan ng mga mamimili.

Sa may loob-looban ay may shops kung saan ay mas ma-e-enjoy ng shop-goers. Coffee shops, salons, restaurants maging ang bilihan ng Hanbok (Korean's traditional clothing) ay naroroon.

One Series: The Dream (1st One + Gift)Where stories live. Discover now