February 14

10.7K 420 141
                                    

"Happy Valentines, babe"

  Hindi ko akalain na after 19 years of existence, magkakaroon na rin ako ng valentines date.  

All this time, lagi na lang akong amapalaya tuwing Vday pero iba na to. . .

Nilapit niya ang mukha niya sakin.   Teka teka! First kiss ko to!!! Anong dapat gawin?!! Nape-pressure

ako!

Di ako marunong humalik!!!

Eto na, lumalapit na siya. . .

Bahala na nga!!!>3<

Paglapit ng labi niya sa labi ko. . .

O____O

Puro laway! Yung dila niya kung saan saan napupunta! Yak! Ayoko ng kiss na ganito!

Hindi ganito ang pinangarap ko na first kiss!!!

*krrriiiing krrrriiiinnnggg*

O____O

"Arf! Arf!!"

Paggising ko, si poochie agad ang nakita ko na nasa harap ng muka ko.

"Poochie! Sinira mo naman yung panaginip ko eh!" sabi ko sa kanya at binaba ko siya sa baba ng kama at lumabas na siya ng kwarto.

Ano ba yan, puro laway ako ng aso. Sayang talaga, ang perfect na ng panaginip ko eh.

Pero hanggang panaginip na lang.

February 14 na.

Valentines na. Pero dahil single na naman ako, ampalaya na naman.

Nutrition month na naman.

Happy singles awareness day.

Ako nga pala si Ellaine Diaz, 19 years old na. NBSB.

BiterellaWhere stories live. Discover now