Bilang 39 - Ikaw Lang

7 2 0
                                    

IKAW LANG

Hilumin mo ang pagod na pagod kong puso,
Linisin mo ang kamay kong puno nang tukso,
Baguhin mo ang isip na marumi,
Nang mga matang makasalanan ang saksi.

Kahit wala na akong lakas, pupurihin ka,
Kahit wala na akong boses, patuloy paring kakantahan ka,
Kahit masakit na, magpapasalamat parin sa'yo.
Kahit nakakamit na ang lahat, titingalain ka ng buong puso.

Ang mabigat na pakiramdam ay mawawala,
Tutuyo din ang mala-ilog na luha,
Magtatagumpay din sa pagsubok ng buhay,
Kahit na unti-unti na itong nawawalan ng kulay.

Kahit ako'y makasalanan, pupurihin ka!
Kahit wala sa tono patuloy paring kakantahan ka,
Kahit nagtagumpay na, magpapasalamat parin sa'yo.
Kahit nanghihina, titingalain ka ng buong puso.

Ang puso ko'y nag-aalab sa pagmamahal mo,
Ikaw lang ang gusto nito,
Ang aking kaluluwa ay para lang sa'yo,
Ikaw lang ang gusto nito.

Kahit hindi na sisikat ang araw ako parin ay sa iyo,
Mauubos man ang oras ngunit walang pagsisisi dahil ikaw ang kasama ko,
Tuyong tuyo man ang aking mga mata sa kakaiyak,
Punong puno naman ang puso ko ng galak at heto parin sa iyo pumapalakpak.

Nepenthe's || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now