Bilang 41 - Kasagutan

8 2 0
                                    

KASAGUTAN

Sagot, pahingi ako ng kasagutan,
Iyan lamang ang hinihingi ko sa'yo kung bakit mo ako iniwan,
Kung bakit ka umalis ng walang paalam,
Kung bakit mo ako pinabayaan.

Marami akong kailangang itanong sa iyo,
Mga tanong na gumugulo sa isipan ko,
Kung bakit ka naglaho?
Kung bakit mo ako binigo?

Dahil hanggang ngayon mahal pa rin kita,
Mahal na mahal kita ng sobra,
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman,
Ngunit alam kong ikaw lang ang palagi nitong laman.

Hindi mapapanatag ang aking loob,
Kung ang puso ay puno ng kutob,
Kutob na siguro may paliwanag sa iyong pag-iwan,
May paliwanag sa likod ng iyong paglisan.

Mahal, tanging kasagutan mo lang ang aking kailangan,
Gusto ko ng kalinawan sa puso kong luhaan,
Gusto kong sabihin mo ang buong dahilan,
Gusto kong sabihin mo ang tunay mong nararamdaman.

Kasagutan lang naman,
Kasagutan kung bakit ka lumisan,
Kung bakit mo ako iniwan ng walang dahilan,
Ano ba ang dahilan? Bigyan mo naman ako ng kasagutan.

_

Nepenthe's || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now