1ST ONE - 29.

24 2 1
                                    

1ST ONE - 29.

Habang ang magkakaibigan ay masaya sa paglilibot at pamimili sa Namdaemun Market, si Jia nama'y tulala sa klase.

Maging siya ay hindi makapaniwala dahil sa ginawa niya kay Ace kanina. Nabibigla na naman siya sa kaniyang sarili.

'Hindi naman niya ako pag-iisipan ng kung anu-ano, 'di ba? Grateful lang talaga ako, dahil hindi ako na-late. Kaso, iba yata ang nagagawa ko kapag siya ang nandiyan. Sumobra naman yata pagiging grateful ko.'

"Miss Jia Lee?"

Napakurap ng mga mata si Jia dahil sa tinig ng kanilang Economics Professor, si Professor Hong.

"Yes, professor?" Marahan siyang tumayo mula sa kinauupuan.

"Are you okay? You're spacing out in my class."

"I'm sorry, professor. I'll be now more focused."

"You must be. Today's lesson is important for this class to know. Please be focused."

"Yes, professor. I'm sorry."

"Sit down."

"Thank you."

Tumalikod si Professor Hong at may isinulat sa whiteboard. Dahil katabi lang ni Jia, kinausap siya ni Kyomin.

"Is it about what you did to him earlier?" bulong nito sa kaniya.

Bumulong din siya. "What do you mean?"

"You kissed him on his lips. Then you got inside as he was left hanging, then he smiled as he left. I saw it," aniya.

"What? You did?" Napalakas ang boses niya.

"Miss Jia Lee!?"

"I'm sorry, Professor Hong!"

"Stay focused, Jia." Tumawa ang kaniyang kaibigan sa kaniya. "You're really spacing out."

Hindi na nakapagsalita pa si Jia dahil nag-discuss muli si Professor Hong.

**

After some hours ay tuluyan nang natapos ang kaniyang klase. It's time for tutorial session. She needs to tutor two sophomore students. Dumiretso na siya sa building kung nasaan ang kaniyang mga tuturuan. Nakarating siya sa library ng building na iyon.

Ang pinakamahaba niyang tutorial session ay aabot sa dalawang oras, at ang pinakamaikli ay thirty minutes, dipende sa topics and sa response ng kaniyang tinuturuan. Bukod sa plus points sa kaniyang academic grades ay nagkakaroon siya ng income mula sa pagtuturo.

She's been tutoring for almost two years. And it really makes her happy and proud to herself.

She remained focused and gentle as usual as she teaches her schoolmates. Sa paraang iyon, bukod sa magandang experience, extra income, ay may friendship ring nabubuo.

At ngayong araw, habang nagtuturo siya ay nanatili siyang banayad sa pagsasalita at maayos na nakakapagpaliwanag.

Gaya nga ng sabi ni Ace, she's professional.

After some minutes of teaching her two sophomore schoolmates, she's happy dahil maganda na naman ang outcome. Nagpasalamat sila sa kaniya at nauna nang maglakad palabas ng library.

She spent forty-five minutes for today's tutorial session.

Inayos niya ang mga libro at isa-isa iyong ibinalik sa bookshelf. Habang nag-aayos ng mga libro ay bumukas ang pinto ng library. Nag-angat siya ng tingin at napatayo nang makita ang kaniyang senior, si Raewon.

One Series: The Dream (1st One + Gift)Where stories live. Discover now