Gitara (OneShot)

60 1 0
                                    

Zia's POV

"Ah Zia, flowers oh!" Napatigil siya sa paglalakad ng may nag abot sa kanya ng bucket of roses. Pero nilagpasan lamang niya ito.

"Hi Zia, binili kita ng teddy bear." Napabuntong hininga na lamang siya. Tinignan niya lamang ang lalaki pagkatapos ay nilagpasan ito.

"Girl! Bakit hindi mo kinukuha? Sayang yung efforts nila oh! Tsaka nakaka hurt din ng feelings!" Sinabayan siya sa paglalakad ng kanyang bestfriend.

"Mas lalo lang kasi silang aasa kung tatanggapin ko. Tsaka alam naman nila na ayaw ko pero nagpupumilit sila." Sagot niya sa kaybigan.

"Sabagay." Komento nito bago nanahimik.

Bakit ba kasi nauso ang Valentines day na yan? Siya tuloy ang napepeste. Hindi niya naman gusto na pagtuunan siya ng pansin ng mga kalalakihan dito sa University nila, gusto niya lang yung simpleng estudyante na pamumuhay.

Tsaka, isa lang naman ang gusto niya e! Iyon ang hinihintay niya magbigay sa kanya ng mga bagay na binibigay sa kanya ng mga lalaking nadaanan nila kanina. Kaso, mukhang malabo dahil mag bestfriend lang sila.

Nagkalat ang mga estudyante ngayon dahil may University Fair sa kanila ngayong araw. May iba't ibang booths na pakulo ng mga estudyante din dito, mga food stalls at merch stalls.

Napangiti siya ng may maramdamang may umakbay sa kanya.

"Bestfriend! Nakita ko yung ginawa mo sa mga manliligaw mo ah! Bakit mo naman inisnob?" Tanong nito sa kanya.

Sumimangot siya dito. "Tsk! Hindi ko naman sinabing ibili nila ako ng ganon e! Tsaka ayoko! Isa lang naman ang gusto kong magbigay sakin no'n e!" Pagmamaktol niya dito.

"Hay! Ang gara naman kasi niyang crush mo! Hindi ka man lang napapansin? Biruin mo lahat ng lalaki nagkakadarapa sayo tapos siya lang ang hindi? Ang ganda kaya ng bestfriend ko." Namula siya sa sinabi nito, mabuti nalang pinisil nito ang mga pisngi niya kaya hindi halata.

"Aray! Ang sadista mo talaga! Kung mapagsalita ka, ikaw nga yung crush mo hindi ka din pinapansin e!" Bigla siyang nalungkot sa sinabi.

Masakit malaman na may ibang gusto ang taong mahal mo.

"Ah! Yun ba? Hayaan mo mamaya, isusurprise ko siya! Para mapansin niya na ako! Diba may tugtog kami mamaya? Doon ko gagawin ang pag amin ko!" Tumingala ito na para bang nangangarap.

Parang may tumusok na mga karayom sa puso niya. Kilala niya kasi kung sino ang crush nito, ang isa niyang bestfriend, yung kasabay niya kanina.

"E-edi maganda! Malay mo sagutin ka din niya ngayon, edi sobrang memorable ang Valentines day mo." Pinasigla niya ang kanyang boses.

"Sana nga best e! Suportahan mo ako mamaya ah! Bestfriend mo ko kaya dapat nandoon ka!" Hinawakan siya nito sa dalawa niyang balikat.

Hindi niya mapigilan ang mapaluha. Pasimpleng pinunasan niya iyon.

"O-oo naman! Para makita ko kung gaano kasaya ang bestfriend ko! After a long time, naamin niya na din sa crush niya na may gusto siya dito." Pilit na ngumiti siya dito.

"That's my girl! Sige alis na ako! Mamaya ah! Paghindi ka pumunta magtatampo ako sayo!" Pinisil pa nito ang baba niya.

"Pupunta ako promise!" Itinaas niya pa ang kanyang kamay.

"Yan! Sige, may rehearsals pa kami e! See you later!" Kumaway ito sa kanya bago tuluyang umalis.

Doon tuluyang tumulo ang kanyang mga luha.

"Pupunta ako, kahit na masakit sa loob ko. Pero okay lang, makita ko lang kayong mga bestfriend ko na masaya, masaya na din ako." Bulong niya habang tuloy sa pagpatak ang kanyang luha.

Gitara (OneShot)Where stories live. Discover now