kabanata 2

901 39 7
                                    

Mapanuring nakatingin si Francia sa kabuuhan ni Irish nang makapasok ito sa bahay na ginawang hide out. Nakaupo siya sa mahabang sofa sa sala habang ang babae naman ay nakatuyo sa hindi kalayuan. “Buti naman alam mo pa ang papunta dito. Bakit basa ka?" agad na tanong niya.

Irish stared at her, seriously. "Natapos na ba ang pinapagawa ko sayo, one month ago?" Tumagilid  si Irish ng kunti ng upo habang nasa kay Francia pa rin ang kanyang mga mata.

“Oo naman, gusto mong makita? Follow me.” Tumalikod si Francia. "Before that, dry yourself first. Change your dress. Basang-basa ka.”

“Don't worry, Francia. I'm good, hindi naman ako masyadong basa. I don't want to waste time.”

“Ikaw bahala... Sumunod ka sa akin.”

Sumunod Irish sa kausap papasok sa isang silid na wardrobe lamang ang nakapaloob. Pagbukas ni Francia sa wardrobe tumampad sa kanilang paningin ang hagdanan putungong underground. Hindi na nagtaka si Irish sa nasaksihan dahil alam  niya na bawat bahay na pagmamay-ari ng master niya mayroon itong underground.

Bumaba sila roon. Umupo si Irish  sa upuang bakal at pinatong ang kaniyang paa sa mesang nasa harap. May folder na nilapag si Francia sa mesa. Agad naman itong binuksan ni Irish at binasa ang nakasulat sa mga bondpaper na nakapaloob sa folder.

“Iyan ang mga personal details nila na makakatulong sa mission mo,” ani Francia.

FIRST TARGET:
Luksurio Villarica, aged 57, was born on August 20, 1967. He possesses skills in sharpshooting, physical combat, and mixed martial arts. He is the father, a retired General, and currently serves as a senator. His routine revolves around his house and office duties.

SECOND TARGET:
Amelia Villarica, aged 42, was born on [birthdate]. She is the second wife of Luksurio Villarica after his first wife died in a car accident. She has no specific skills and is simply an ordinary housewife.

THIRD TARGET:
Colene Villarica-Astley, aged 32, was born on [birthdate]. She is the CEO of Golden Hotel and is the eldest daughter of Luksurio. She is married to Wren Astley, and they have a fourteen-year-old daughter named Liayra Astley.

FOURTH TARGET:
Elara Villarica, aged 28, was born on [birthdate]. She is the President of Villarica Descent University. She suffers from a mental illness due to the tragic accident that led to her mother's death.

LAST TARGET:
Redeemer Fhryck Villarica, aged 24, was born on September 15, 1999. He is the only son of Luksurio and manages their family's malls.

Hindi maiwaksi ni Irish ang paningin niya sa larawan ng huling target. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Ito ang lalaking na-encounter niya sa airport kani-kanina lamang. Kaya pala kumukulo ang dugo niya dito dahil isa ito sa mga kalaban niya.

“Napakaliit lang talaga ng Pilipinas, diba...” ani Francia. “Iyan ang rason kung bakit kita inawat kanina.”

“Tama ka, Francia, napakaliit lang ng Pilipinas.” Mapaklang ngumiti si Irish.

Sa huling papel ay ang larawan ng mansyon ng mga Villarica. Malaki ito at napapaligiran ng mga CCTV. May kahabaan ang mga pader at protektado pa ito ng electric bared fence.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 12 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Assassin's Heartbeat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon